Aktor na ubod ng yabanghindi sinusustentuhan ang anak!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

May kakaibang angas ang isang kilalang male personality. Magaling siyang umarte, may hitsura rin siyang tinitilian ng mga kababaihan, pero sa linya ng trabaho ay maraming hindi nagkakagusto sa kanya.

“Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya,” reaksiyon ng isang source na palagi niyang nakakatrabaho. “Paimportante siya, kaya ‘yung dapat sana, e, mas mahaba pa niyang role sa isang sikat na serye, tinapos agad ng production,” sabi naman ng isa pang impormante.

Dati nang artista ng isang network ang lalaking personalidad na ito, na­ging kontrobersiyal ang kanyang personal na buhay dahil sa mga reklamo ng isang aktres na nakarelasyon niya, hanggang sa lumundag na nga siya sa kabilang kuwadra.

“Du’n lang naman nagningning ang name niya, napakatagal na niyang nag-aartista, pero nu’ng lumipat lang siya ng network nagkasunud-sunod ang mga projects niya. Nu’n lang siya nagmarka sa manonood.

“Pero napansin ng mga co-workers niya na meron siyang kakaibang attitude. Paimportante, sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya, parang hindi tatayo ang istorya kapag wala siya.

“Ilag nga sa kanya ang mga production staff dahil may kaangasan siya. Kailangan na siya sa set, nagre-rehearse na ang mga kasamahan niya, pero hindi pa siya lumalabas ng kanyang tent.

“Alam naman daw kasi niya ang mga gagawin niya, kabisado niya naman ang mga dialogues na ibabato niya, kaya bakit kailangan pa siyang mag-rehearse? E, paano naman ang blocking, siya na lang ang magdidirek sa sarili niya?

“Baka gusto rin niyang magdirek? Baka gusto na rin niyang maging scriptwriter, kasi, pati ang mga linyang sasabihin niya, e, gusto niyang palitan? Mataas ang ambisyon ng male personality na ito!dagdag na kuwento pa ng aming source.

Heto na. Nakumpirma ng aming impormante na may kakaiba ngang ugali ang kilalang male personality nang dumalo siya sa isang awards night. Nanalo naman siya, impernes, pero nagpalutang na naman siya ng kaangasan.

“Nasa loob na ang halos lahat ng awardees, pero siya, ayaw bumaba ng van. Du’n na lang daw siya, sabihan na lang daw siya ng staff kapag malapit na siyang bigyan ng award!

“At kinukulit din ng PA niya ang production na unahin na siyang bigyan ng award dahil may meeting pa raw siya. Hindi siya pinagbigyan, hindi niya nakuha ang gusto niya, ganern.

“Naku, kesa sa magmarakulyo siya nang magmarakulyo, e, ayusin niya muna ang problema niyang personal, ‘no! Magbigay muna siya ng sustento sa anak niya, magpakaama muna siya, ‘yun lang ‘yun!pagtatapos ng nakairap naming impormante.

Ubos!

Jiro may bagong trip?!

Sana nga ay hindi basta trip lang ang pinakabagong kuwento tungkol kay Jiro Manio. Sana nga ay hindi pansamantala lang ang kanyang kagustuhang makabalik na uli sa pag-arte.

Totoong-totoo na sana ang entusiyasmo niyang humarap uli sa mga camera ng telebisyon at pelikula, seryoso na sana ang magaling na aktor, hindi sumpong lang.

Dahil sa kaway ng bisyo ay napakaraming pinalampas na oportunidad ni Jiro. Kapag napagkukuwentuhan ang mga pelikulang Pilipinong hindi kalimut-limot ay siguradong kasama sa listahan ang pinagbidahan niyang Magnifico.

Tropeong maaangkin ni Jiro ang pelikulang ‘yun na ipinalalabas tuwing Mahal Na Araw dahil sa ganda ng tema. Umangat nang husto ang kanyang talento, tinawag siyang pinakabatang best actor, hanggang sa lamunin na siya ng pananahimik sa rehab.

At ngayon ay muling nabuksan ang kanyang interes sa pag-arte, nakiusap siya kay AiAi delas Alas na hawakan ang kanyang career, ang Comedy Concert Queen ang nagkaroon ng malasakit para ipagamot siya nu’ng mga panahong sinusukuan na ang aktor ng kanyang pamilya.

Walang masamang tinapay kay AiAi, kaya pa uli nitong sumugal para kay Jiro, pero tulad ni Baron Geisler ay kailangang magkaroon na sila ng kasunduan.

Hindi na ito basta trip o sumpong lang. Kailangan nang magseryoso si Jiro Manio, camera na lang talaga ang kanyang tititigan at itatapon na niya ang lahat-lahat ng sumira sa kanyang buhay at karera, malinaw ‘yun.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with