Aiza

Aiza hindi kinayaang pressure sa NYC?!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

PIKNgayong araw ay pormal na ilu-launch ang ikatlong taon ng ToFarm Film Festival na sinimulan ng namayapang direktor Maryo J. delos Reyes.

Kung hindi kami nagkakamali, si direk Bibeth Orteza na ang festival director at may mga pagbabagong gagawin na ia-announce nila sa launching. Ang pagkakaalam namin ay involved din dito as consultant sina direk Laurice Guillen at direk Joey Romero.

Pursigido si Dra. Milagros Ong-How na ituloy ang ToFarm na talagang pinaghirapan nila ni direk Maryo.

Bukas naman ay pormal na ring ilu-launch ng Tourism Promotions Board ni COO Cesar Montano ang Cine Turismo kung saan bibigyan ng recognition ang walong local films at dalawang Korean film na nagpakita ng ganda ng Pilipinas.       

Katatapos lang ng Sinag Maynila, at susunod na ang Cine Filipino pati ang Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

PAK: Hindi maiiwasang bahagi pa rin talaga si Zsa Zsa Padilla ng pamil­ya Quizon. Close na rin kasi siya sa mga anak ni Mang Dolphy, kaya isa siya sa humihingi ng dagdag pang dasal para kay Rolly Quizon na na-stroke kamakailan.  Nalulungkot siya dahil kamamatay lang daw ng isang anak ni Mang Dolphy na si Dino Quizon, kaya talagang nanghihingi pa siya ng maraming dasal para malagpasan ito ni Rolly.

Samantala, magiging bahagi kaya si Mang Dolphy sa pinaghahandaan niyang concert sa May 11? Pinamagatang The Best Day Of My Life ang concert ni Zsa Zsa na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Bale celebration niya ito sa kanyang 35th anniversary in showbiz at Mo­ther’s Day na rin kung saan special guests niya sina Karylle kasama si Yael Yuzon at si Zia Quizon kasama si Robin Nievera.

BOOM: Ngayon lang lumabas ang balitang nag-resign na si Aiza Seguerra bilang Chairperson ng National Youth Commission (NYC) “for personal reasons” daw.

Ang balita kasing nasagap namin, noong March 5 pa raw nakipagkita si Aiza kay Pres. Rodrigo Duterte para personal siyang magpaalam sa ating pangulo. Noong araw ding iyon ay nag-post siya sa kanyang Facebook account ng “It is done.”

Ilang kaibigang media ang nagkuwento sa amin na nakausap daw nila si Aiza at sinabi ng singer na maluwag daw na tinanggap ni Pres. Duterte ang resignation nito.

Hindi raw siya nagbigay ng letter of resignation at gusto niyang personal na sabihin ito kay Pangulong Duterte.

Kung ano mang personal na rason ang dahilan ng kanyang pagre-resign ay hindi na ibinahagi ni Aiza.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with