^

PSN Showbiz

Venus nawala na ang beauty queen aura!; Yassi tuloy ang pamimigay ng libreng yakap!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Venus nawala na ang beauty queen aura!; Yassi tuloy ang pamimigay ng libreng yakap!

Yassi

Zanjoe nawalan ng ina

Seen: O Bar ang pangalan ng gaybar na pinuntahan ni Rhian Ramos at ng direktor ng The One That Got Away, hindi sleazy gay bar. May ibang mga celebrity na nagpupunta sa O Bar.

Scene: Ang dinner date noong Miyerkules ni Heart Evange­lista kay Vanessa Matsunaga, ang kapatid ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga. In good terms si Heart sa mga ex-boyfriend niya at sa pamilya ng kanyang mga nakarelasyon.

Seen: Nagkaroon ng prestige ang Ginoong Laguna contest dahil alumnus nito si Alden Richards. Useful si Alden sa mga publicity ng Ginoong Laguna 2018 na magaganap ang coronation night sa susunod na buwan.

Scene: Masusundan ang pagbibigay ni Yassi Pressman ng free hugs sa mga lugar na sorpresa na pupuntahan niya. Ang pamimigay ng libreng yakap ang paraan ni Yassi para ipaalaala sa publiko ang nalalapit na showing sa mga sinehan ng pelikula nila ni Sam Milby,  Ang Pambansang Third Wheel.

Seen: Nagluluksa si Zanjoe Marudo dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Rosana Marudo na inihatid sa huling hantungan nito noong Miyerkules sa Himlayan ng Tanauan, Tanauan, Batangas.

Scene: Very timely ang kuwento ng Sa Panahon ng Halimaw dahil sa mga nangyayari ngayon ang sabi ni Piolo Pascual tungkol sa pelikula niya na kasali sa 68th Berlin International Film Festival. Hindi masyadong nag-elaborate si Piolo na umamin noong nakaraang taon na sinuportahan niya ang presidential candidacy ni President Rodrigo Duterte pero hindi siya pinayagan na mangampanya, openly.

SEEN: Nawala na ang beauty queen aura ni Venus Raj nang dumalo siya sa press presentation ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2018 sa Novotel noong February 21. Malaki na ang ipinagbago ni Venus buhat nang maging Christian siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with