ShaGab naka-8 million agad!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

Naka-jackpot sa manok

Grabe malapit nang uma­bot sa 8 million views ang McDonald’s commercial nina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion. Bawing-bawi ang 25 years na hindi pagsasama sa isang project ng dating mag-asawa/iconic loveteam na nagbigay ng excitement at kulay sa buhay ng bawat Pinoy noong dekada 80.

Maraming naka-relate sa TVC kung saan tumitikim sina ShaGab ng McDonald’s best tasting chicken and world famous fries.

Naalala sa TVC ang happy memories ng loveteam nila na matagal hinintay na ‘magkabalikan.’

Nakadagdag pa ng matinding kilig ang kantang Kumusta Ka na hit song ni Ms. Sharon, habang makikita sila sa McDonald’s store na magkasama sa isang table, tahimik na nag-uusap at inaalala ang nakaraan habang kumakain ng paborito nilang chicken and fries. Tagos ang kilig ng mga nakapanood lalo na sa tissue scene – kung saan pinupunasan ni Gabby si Sharon na ikinakilig nito kaya binato ng tissue rin.

Bago ang naganap na launching ng nasabing reunion project, marami na ang nasorpresa sa kanilang unexpected engagement sa social media. Nag-follow sila sa isa’t isa sa Instagram, posting several throwback photos at sinimulan na nilang pakiligin ang kanilang followers na nagpa-spark sa pagkasabik ng fans. Nakisali pa si KC kaya lalong tumindi ang excitement ng lahat.

At ayun na nga, nabaliw na sila sa kilig. “McDo lang pala ang sagot sa reunion ng Sharon-Gabby!” sigaw ng fans nila. “Chicken McDo with Fries. Yummy,” says Gabby on his recent Instagram post.

Tulad ng perfect tandem nila hindi puwedeng pagsawaan ang fried chicken at french fries ng McDo.

Nagpapasalamat ngayon sina Gabby at Sharon sa opportunity na magkasamang muli.

Sa mga hindi pa nakakapanood, watch the latest ShaGab commercial on McDonald’s YouTube Channel!

Janella walang naging angal sa ilalim ng dagat

Puring-puri si Janella Salvador ng underwater director/videographer na si Ms. Marissa Florendo ng My Fairy Tail Love Story. Ang bait daw ni Janella at walang angal sa mga eksena sa ilalim ng dagat kung saan siya nagiging serena sa pelikula dahil sa kakaibang sumpa.

May ilang nag-warning na raw kasi kay Ms. Marissa na baka mag-inarte si Janella sa ibang underwater scenes pero naging magaan daw ang lahat at natapos sila sa pelikulang showing today na walang hassle.

At nakabantay naman pala ang nanay ni Janella na si Jenine Desi­derio habang nasa shooting.

Actually, more than Elmo Ma­galona, mas bidang-bida rito si Janella. Ang cute niya at ang ganda ng boses lalo na sa mga eksenang nagiging mermaid na siya.

Maganda rin ang exposure ni Kiko Estrada sa movie na lo­vable ang pagiging kontrabida.

Graded B ng Ci­nema Evaluation Board (CEB) ang movie na idinirek ni Perci Intalan for Regal Films.

Bye Kim Xian wild ang tikiman kay Nathalie

Ibang Xian Lim ang mapapanood sa pelikulang Sin Island na sho­wing na rin starting today.

Buburahin ng pelikula ang pagiging boy next door image ng actor na da­ting ka-loveteam ni Kim Chiu.

Daring and sexy ang mga eksena nila ni Nathalie Hart sa pelikula na may pagka-Fatal Attraction ang tema.

Mag-asawa sila ni Coleen Garcia sa kuwento ng SI pero magkakaroon sila ng problema at doon niya makikilala si Nathalie sa Sinilaban Island.

Doon mag-uumpisa ang kanilang maiinit na mga eksena na mauuwi sa madugong pangyayari.

Nakakatuwa namang napanood muli si TJ Trinidad sa pelikulang ito bilang isang pilot kung saan sila nagkagustuhan ni Coleen kahit parehong may-asawa na.

Bagay na bagay kay TJ ang kanyang role. Big break ni Nathalie ang Sin Island, last movie naman ni Coleen bilang single at si Xian ay nagpaka-mature na rito.

Arnold kinilalang isa sa Ten Outstanding Movers of the Philippines

Kinilala si GMA News pillar at veteran broadcast journalist Arnold Clavio bilang isa sa Ten Outstan­ding Movers of the Philippines (TOMP) ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement.

Ginawaran si Clavio ng parangal para sa kanyang kontribusyon sa larangan ng media at communications. Inalay naman ni Clavio ang pagkilala sa lahat ng mga sumusuporta at naniniwala sa kanya. “Maraming salamat sa SAVE ME Movement at dun sa siyam na kasama kong nabigyan ng parangal sa Palasyo ng Malacañang. Sa inyo ‘yan, Kapuso,” pagpapasalamat ng Kapuso broadcast journalist.

Tatlong dekada na si Clavio sa industriya ng broadcast media. Isa siya sa mga host ng longest-running morning show sa bansa na Unang Hirit. Co-anchor din si Clavio ng GMA late night newscast na Saksi at napapanood sa public affairs prog­ram na Alisto. Sa GMA News TV ay host naman siya ng talk show na Tonight with Arnold Clavio. Napakikinggan din siya sa weekday radio program na  Dobol A sa Dobol B sa Super Radyo dzBB.

Kinikilala ng TOMP Award ang mga Pilipinong may naiaambag sa social environment ng bansa. Ang SAVE ME Movement ay isang environmental at ecological organization na may adbokasiyang pa­ngalagaan ang kalikasan.

GABBY CONCEPCION SHARON CUNETA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with