Dedma na kay Zanjoe, ‘I’m Single’ – Bela
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

Noong isang taon ay naugnay sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Napa­balitang niligawan diumano ng aktor ang dalaga nang magkatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa teleseryeng My Dear Heart. Mula noon ay madalas na magsagutan ang dalawa sa social media na ikinakikilig naman ng kanilang mga tagahanga.

Ano na kaya ang estado ng relas­yon nina Bela at Zanjoe nga­yon? “’Di ko po alam Tito Boy. Right now kasi parang naging ano ako, free spirited. So I don’t belong anywhere and I don’t belong to anyone. I’m just very happy right now. I’m single,” makahulugang pahayag ni Bela.

Maganda ang turingan ng aktres at ni Zan­joe bilang magkaibigan noong isang taon dahil halos araw-araw silang nagkikita at nagkakasama sa trabaho. Ngayon ay halos hindi na umano nagkakausap ang dalawa.

 Matatandaang si Neil Arce pa ang huling naging kasintahan ni Bela na siya namang napababalitang nobyo na nga­yon ni Angel Locsin.

Arjo at Sue kinakalimutan ang mga partner ‘pag may intimate scenes

Tinatangkilik ng mga manonood ang tambalan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa teleseryeng Hanggang Saan sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN.

Ngayon lamang nagkatambal ang dalawa sa serye kaya masayang-masaya sina Arjo at Sue na sinusuportahan sila ng mga tagahanga.

May maseselang eksena ang dalawa sa nasabing serye pero hindi naman daw ito pinagselosan ng kanilang mga kasintahan sa totoong buhay. Si Joao Constancia ng BoyBandPH ang napababalitang nobyo ni Sue habang si Sammie Rimando ng Girltrends naman ang sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Arjo. “Siyempre ‘yung mga partner naman siguro naiintindihan nila. Alam naman nilang trabaho lang eh,” giit ni Sue.

“Hindi eh, parang it’s more of work. You gotta do is what you gotta do. Wala naman, wala namang problema,” paliwanag ni Arjo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with