^

PSN Showbiz

Maricel nilayasan ang cremation ni Direk Maryo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maricel nilayasan  ang cremation ni Direk Maryo

Ang dami pa naman nilang pinagsamahan

Ngayon ang huling gabi ng burol ng direktor na si Maryo J. Delos Reyes dahil bukas ang cremation sa kanyang mga labi sa Loyola Chapels and Crematorium sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang Regal Films at DGPI ang nagpamisa para kay Kuya Maryo noong Miyerkules. Nabalitaan ng fans na maraming artista ang mga nakikiramay kaya nakatambay sila sa harap ng Loyola Chapels para makita nang personal at magpa-picture, kasama ang kanilang favorite stars.

Star-studded ang Regal at DGPI night dahil sa pakikiramay nina Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Cesar Montano, Alice Dixson, Ara Mina, Maricel Soriano, Joel Torre etc.

Maraming projects na pinagsamahan sa TV at pelikula sina Kuya Maryo at Maricel kaya malungkot na malungkot ito sa pagpanaw ng isa sa kanyang mga favorite director.

Matagal nang naka-schedule ang Hong Kong trip ni Maricel kaya hindi na siya makakapunta sa inurnment ng mga labi ni Kuya Maryo.

Kahapon ang Hong Kong flight ni Maricel na nagbida sa mga pelikula ni Kuya Maryo, ang Pepe En Pilar, Saan Darating Ang Umaga, Schoolgirls, Ang Boyfriend Kong Kano, Kaya Kong Abutin Ang Langit, Anak ni Waray vs Anak ni Biday, Dinampot Ka Lang Sa Putik, A Love Story at marami pang iba kaya super close sila.

Glydel hindi nakapaglagare

Si Glydel Mercado ang gaganap na nanay ni Megan Young sa The Stepdaughters, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa February 12.

Ang The Stepdaughters ang ipapalit sa timeslot ng Impostora na pitong buwan na napanood sa TV dahil sa mataas na ratings.

Si Katrina Halili ang another stepdaughter at siyempre, maldita ang role niya dahil siya ang magpapahirap kay Megan.

Nanghihinayang ako dahil may another show sa GMA 7 na iniaalok kay Glydel pero may conflict sa schedule kaya baka mahirapan lang siya na maglagare.

Maganda pa naman sana ang role ni Glydel sa bagong television show na tinutukoy ko at project ng GMA News and Public Affairs.

Janella at Elmo magkamukha na! 

Walang naniniwala sa pralala na hindi pa magdyowa sina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil halatang-halata sa mga kilos at pananalita nila na nagkakamabutihan sila.

At dahil madalas na magkasama ang dalawa, magkahawig na sila.

May nagkuwento sa akin na parang nakahanap si Janella ng bagong pamilya dahil nakita at naranasan niya ang closeness sa isa’t isa ng mga Magalona nang sumama siya kay Elmo sa Boracay nang ikasal si Maxene Magalona kay Robby Mananquil.

Lalong mapapadalas ang pagsasama nina Elmo at Janella dahil sa pelikula na ipino-promote nila, ang My Fairy Tail Love Story na showing sa mga sinehan sa February 14.

Para sabihin ni Elmo na mahalaga sa kanya si Janella, isa lang ang ibig sabihin nito, in love na in love siya sa leading lady niya sa My Fairy Tail Love Story.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with