Billy matagal nang gustong KASAMA SI Sarah!

Sarah

Pagkalipas ng sampung taon sa ilalim ng pa­ngangalaga ng talent manager at businessman na si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit, ang singer-composer, dancer, TV host and actor na si Billy Crawford ay lumagda ng five-year-contract with Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus. Ang contract signing ay ginanap sa Board Room ng Viva office nung nakaraang Martes ng hapon in the presence of Viva Group of Companies chairman na si Boss Vic del Rosario at VAA president na si Veronique.

Ayon kay Billy ay maayos umano siyang nagpaalam sa dating manager na si Arnold.

Sinabi rin ni Billy na ngayong malapit na siyang magpakasal sa fiancée niyang si Coleen Garcia, ang pagkakaroon ng bagong mangangalaga ng career ay parte ng kanyang papasuking bagong journey ng karera at personal na buhay. Naniniwala rin si Billy na maisasakatuparan ang iba pa niyang mga pangarap at plano sa tulong ng VAA dahil sa existing platform ng kumpanya at kasama na rito ang recording, concerts at paggawa ng pelikula.

Since magkasama na sila sa iisang kuwadra ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, matutuloy na rin ang matagal niyang pangarap na makasama sa isang major concert ang nobya ni Matteo Guidicelli and most probably sa pelikula na rin.

“Maraming possibilities,” paniniguro ng host ng Pilipinas Got Talent with Toni Gonzaga as co-host.

Ngayon pa lamang ay excited na si Billy na simulan ang kanyang unang project at ito ay may kinalaman sa recording ng kanyang bagong album under Viva Records.

Inamin ni Billy na siya ang nag-reach out sa mag-amang Vic at Veronique para mapabilang sa Viva.

Samantala, ayaw pa ring magbigay ni Billy ng detalye na may kinalaman sa nalalapit nilang kasal ni Coleen this summertime liban sa binanggit niya na magkakaroon ng Manila reception ang kanilang wedding para makadalo ang mas marami nilang mga kaibigan na hindi makakapunta sa kanilang Christian beach wedding.

Rico J., Rey Valera, Imelda at ClairE manghaharana sa Valentine

Ngayon pa lamang ay marami na ang excited na mapanood ang Timeless OPM Valentine concert na pagsamahan ng Total Entertainer na si Rico J. Puno, ang Mr. Hitmaker na si Rey Valera, ang Sentimental Songstress na si Imelda Papin at ang Karen Carpenter of the Philippines na si Claire dela Fuente. Ito’y gaganapin sa Newport Performing arts Theater ng Resorts World Manila sa araw mismo ng mga puso on February 14 sa ganap na ika-8 ng gabi.

Ang 70’s ang itinuturing na Golden Era ng Pinoy Music at sa panahong ito pumutok nang husto ang maraming pinasikat na awitin nina Rico J., Rey, Imelda, at Claire.

Si Rico J. ang nagpasikat ng mga classic hit songs katulad ng May Bukas Pa, Macho Guwapito, Kapalaran, at maraming iba pa.

Hindi rin siyempre magpapahuli si Rey Valera with his timeless hits na siya rin mismo ang nag-compose at kumanta na pinasikat din ng ibang kilalang mang-aawit katulad ng Megastar na si Sha­ron Cuneta. Nariyan ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Kung Kailangan Mo Ako, Naalaala Ka, Maging Sino Ka Man, and many more.

Pagdating naman sa original Jukebox Queen na si I­melda pa, sino ang hindi makakaalaala sa kanyang mga pinasikat na awitin tulad ng Bakit, Isang Linggong Pag-ibig, Bakit Ikaw Pa, at iba pa.

Bukod sa taguring sa kanya, si Claire ay kilala rin as Asia’s Sweetest Voice na kanyang pinatunayan sa kanyang mga timeless hit songs tulad ng Sayang, Minsan-Minsan Nakaw na Pag-ibig, at marami pang iba.

Ang Timeless OPM Valentine concert ay produced ng Starmedia ni Anna Puno with veteran stage director na si Freddie Santos directing the show habang si Gerry Matias naman ang tatayong musical director.  Special guest performers naman ang singer-actress na si Rita Daniela at LA Santos.

Show comments