Young actress inirereklamo sa pamamakyaw ng concert ticket ng Paramore!

Sa February 18 na magaganap ang second concert ng Paramore sa MOA Arena. Nag-unahan na sa pagbili ng ticket ang fans sa unang araw pa lang ng announcement ng concert.

May tsika pala sa con­cert ng Paramore. Ini­re­reklamo ng fans ng banda ang isang young actress (YA) dahil nang-hoard daw ng ticket. As in, marami itong biniling ticket at naubusan daw tuloy ang ibang concertgoers. Ginamit daw ng aktres ang popularidad niya para makabili ng maraming tiket.

In all fairness kay YA, wala naman yatang rule na nagli-limit kung ilang tiket lang ang dapat bilhin, kaya wala siyang kasalanan. Ginagamit lang ng mga nagalit sa kanya ang isyu para ma-bash si YA.

Carla hindi nakatiis, sinundan si Tom sa Arizona

Sumunod pala si Carla Abellana kay Tom Rodriguez sa Arizona kung saan nag-Pasko at Bagong Taon ang aktor kasama ang ina at mga kapatid. Sa isang post ni Carla sa Instagram, makikita ang dalawang plates ng pancakes at may caption na “Good morning and Happy New Year from Phoenix, Arizona.”

Magkasamang nag-celebrate ng New Year sina Tom at Carla kaya masaya ang TomCar fans. Napalitan ang lungkot nila nang hindi magkasama ang dalawa last Christmas.

Sa January 10 na ang balik ni Tom at siguradong sabay na sila ni Carla. Kung hindi lang siguro pinababalik agad ng GMA-7 si Tom dahil pag-uusapan ang bagong show sa network, hindi pa ito babalik ng bansa. Wish lang ng fans, magkasama sina Tom at Carla sa sunod nilang teleserye.

Malapit na rin ang showing ng movie nina Tom, Erich Gonzales, at Lovi Poe na The Significant Other. May nakita na kaming publicity photo na may pagka-sexy.

Gee Canlas inamin ang relasyon kay Archie

Nabunyag sa post ni Gee Canlas na boyfriend niya ang actor na si Archie Alemania. Hindi kasi ibinabalandra ng dalawa ang kanilang relasyon at ngayon lang nagsalita si Gee.

May nag-akala pang si Sef Cadayona ang BF ni Gee at ito raw ang kasama ng komedyante sa Singapore noong mag-taping ang cast ng Meant To Beh.

Si Archie naman, inakalang may gusto kay Kim Domingo dahil lahat ng ipino-post ng sexy actress sa socmed ay nila-like nito.

“Plot twist and biggest blessing from last year. After 5 years...its still you. Even in a million years...it would still be you. Benta lahat ng jokes mo sakin, whyyyy. Happy new year Halfy!!! I pray that God will keep blessing what we have and conti­nue to love Him more and more together. I love youuu. #LetTheCheeseBegin #NaksMayBFNako #Soulmate,” post ni Gee sa IG.

Show comments