Edgar Allan umaasang makakakuha pa ng maraming award!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Si Edgar Allan Guzman ang nanalong Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival awards night para sa pelikulang Deadma Walking na pinagbibidahan nila ni Joross Gamboa.

Mainit na pinag-usapan ng mga netizens sa social media ang tungkol dito at may ilan pang nagsabi na si E.A. daw ang karapat-dapat na nanalo bilang Best Actor at hindi Best Supporting Actor lamang.

Aminado naman ang aktor na pina­ngarap din niyang maging Best Actor sa MMFF. “Ang hirap kasi magsalita eh. Ako gusto ko talaga, hindi ko ipagkakaila ‘yon pero hindi ako nagsasalita na sana nasa Best Actor ako. Kumbaga kuntento na ako, kuntento na ako na ibinigay sa akin. Hayaan ko na lang sila mag-decide, hayaan ko sila maglagay sa akin sa Best Actor. So para sa akin gusto ko siyempre. Sino ba namang hindi nangangarap maging Best Actor ng Metro Manila Film Festival? Isang malaking tulong ‘yon para sa akin pero kung ‘yan ang ibinigay nila sa akin, masaya pa rin ako. Thankful pa rin ako,” pahayag ni Edgar Allan.

Mapapanood pa rin sa mga sinehan hanggang Linggo ang Deadma Walking. Ang mahalaga raw para sa aktor ay maraming magagandang feedback mula sa mga nakapanood na ng nasabing pelikula.

“Sobrang happy kasi marami kaming nakukuhang good feedback and reviews through social media. So ‘pag binabasa namin nakakataba ng puso. Kasi lahat halos ng mga nagti-tweet sa amin at nagpo-post sa facebook, lahat puro positive ‘yung nakikita nila. Lahat naiiyak at natatawa, so ‘yun naman kasi ‘yung goal namin,” paliwanag ni E.A.

Ngayong taon ay mas pagbubutihin pa raw ng aktor ang trabaho upang mu­ling manalo ng acting award kung mabibigyan ng pagkakataon. “Ngayon parang positive naman ako sa mga mangyayari, gusto ko talaga kasi ‘yun din naman ‘yung pangarap natin, na magkaroon ng award. Sana mangyari ulit,” pagtatapos ng binata.

Sylvia grabeng mangulit kay Arjo

Araw-araw na napapanood sa teleseryeng Hanggang Saan ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Para sa aktor ay hindi na sila nagkaroon ng adjustment ng ina pagdating sa trabaho. “No problem really because my mom’s very professional. She’s been there for how many years. So I’ll just separate the personal life from the characters. Work is work, you got to do what you got to do,” nakangiting bungad ni Arjo.

Ayon pa sa binata ay makulit umano silang dalawa ni Sylvia kapag nasa bahay kumpara kapag nasa trabaho kaya hindi sila nagkakaroon ng problema sa taping. “She’s makulit, super kulit. The way they see her super prim and proper. But when we get to the house she’s super kulit, they don’t know. Like me they think I’m serious but when I’m close to people obviously, when I feel comfortable talking to the person that’s when my lightness comes out also,” pagbabahagi ni Arjo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with