Liza ilalabas ang kakaibang pambatang ugali sa Bagani!

Sobrang excited na ni Liza Soberano na mapanood ng mga tagahanga ang kanilang bagong teleserye ni Enrique Gil na Bagani. Kasama rin ng dalawa si Matteo Guidicelli sa bagong proyektong magsisimulang ipalabas sa susunod na taon.

Ayon kay Liza ay ibang-iba ang tema ng bagong serye nila ni Enrique kumpara sa kanilang mga nagawa noon. “I just launched Bagani at the trade event recently. Sobrang natuwa ako sa reaction ng mga tao. Naramdaman ko na na-miss nila kami ni Quen (Enrique) sa TV. I am really excited for it to show. Kasi sobrang iba ito sa lahat ng nagawa namin so far. Kasi lagi naman kaming rom-com (romantic-comedy) or romance-drama. Ito naman may action siya,” pagbabahagi ni Liza.

Para sa dalaga ay masayang gawin ang isang fantaserye na tema ng kanilang bagong serye. “I never really thought about which role that I want to do. But now that I am doing it, happy naman ako. Masaya pala siyang gawin. Hindi siya gano’n kahirap gawin. In terms of costume and everything, yes mas mahirap siya but acting-wise, I guess we have an inner child in all of us that comes out when you’re doing a fantaserye. You are able to bring that out and express that when you’re acting,” paliwanag ni Liza.

Iza hindi na naniniwala sa New Year’s resolution

Masayang-masaya si Iza Calzado dahil nag-propose na ng kasal kamakailan ang kasintahan ng ilang taon na si Ben Wintle. Naniniwala raw ang aktres na hindi dapat minamadali ang paglagay sa tahimik dahil kusang darating ito sa tamang panahon.

“Alam mo naniniwala rin ako na talagang mas maganda siya kapag handa ka na. Kasi feeling ko two years or three years into the relationship, we got engaged, baka hilaw pa. It happened at a perfect time,” bungad ni Iza.

Magpapakasal ang magkasintahan sa susunod na taon pero hindi pa makapag-asikaso para rito dahil kabi-kabila pa ang ginagawang mga proyekto ng dalaga. “Matagal pa, 2018 but not early part. Kasi I am doing a soap and then a movie. So sabi ko before the wedding, I’ll take it all out of the way na,” giit ng aktres.

Ngayong Pasko ay kasamang magdiriwang ni Iza ang pamilya ng kasintahan sa ibang bansa. “Somewhere in Thailand with the Wintles like every year. Yearly magkakasama ang family ni Ben. Tapos kasama ako, nakiki-family ako,” nakangiting pahayag ni Iza.

Samantala, hindi raw naniniwala ang aktres sa New Year’s resolution sa tuwing nagpapalit ang taon. “I always have goals instead of a resolution. Instead of saying I am not going to do this anymore, it’s what I am going to do instead. Marami pero ang wish ko na lang is I hope my loved ones will have good health including myself,” pagtatapos niya.

Show comments