Derek maraming pinaligaya nung birthday

Derek Ramsay

Hindi pa mabanggit ni Derek Ramsay sa presscon ng All of You kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 41st birthday last December 7. Sa social media account lang ng aktor nalaman ito nang i-post niya ang medical mission sa San Vicente, Palawan, kung saan may bahay ang kanilang pamilya.

Post ng aktor kasama ang mga larawan ng naganap na medical mission, “What an amazing day today. One of the most memorable birthdays I’ve ever had. I’ve never seen so many smiles in my life. It feels so good knowing that over 300 patients were given much needed care. Thank you to all the doctors, volunteers and staff who helped out today. Tnx to my parents for supporting me all the time with projects like this. Tnx to everyone who bought my book. The proceeds helped this medical mission tremendously”.

Samantala, inilabas na ng Quantum Films ang music video ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na ang theme song na Dying Inside to Hold You ay kinanta ni Darren Espanto. Ang ganda ng pagkakakanta ni Darren bukod sa makikita ang mga eksena ng All Of You kasama ang mga kinunan ni director Dan Villegas sa Taipei.

Showing simula sa December 25 ang All Of You at wish nina Derek at Jennylyn Mercado ay makasama sa Top 3 box-office ang kanilang pelikula.

Boyet at Lotlot may reunion

Marami ang na-excite sa picture nina Christopher at Lotlot de Leon kasama si director Erik Matti na may caption na “Looking forward! Masaya ‘to!” at pilit tinatanong si direk kung ano’ng pelikula ang gagawin nila.

Hindi ito sinagot ni Direk Erik kaya lalong na-curious ang netizens. Ngayon lang uli magkakasama sa pelikula sina Lotlot at Christopher dahil ang last time kung hindi kami nagkakamali ay noong bata pa siya kasama si Nora Aunor.

Kris tuloy sa Iceland

Tuloy ang travel ni Kris Bernal pa-Iceland pagkatapos mag-taping ng Impostora. Nagsa-shopping na ito ng winter coat na kanyang gagamitin.

Magtatapos ang Impostora na masaya si Kris dahil maganda ang feedback ng viewers at mataas ang ratings.

Nag-contribute rin ang Impostora para maka­sama si Kris sa list ng 2017 inductees ng Walk of Fame.

Alexander Lee suportado ang kabaklaan nina EA at Joross

Nakakatuwa naman si Alexander Lee dahil suportado nito ang kasama sa My Korean Jagiya na si Edgar Allan Guzman. Dumating ito sa celebrity screening sa UP Town Center para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Deadma Walking na pinagbibidahan nina Edgar Allan at Joross Gamboa.

Hinihintay namin ang review ni A­lexan­­der sa pe­li­kula dahil nang mapanood ang Trip Ubusan ay may re­view siya na kahit hindi naintindihan ang malaking parte ng movie ay tuwang-tuwa ito.

Anyway, babalik pala sa bansa ang Korean actor na si David Kim na gumanap na brother ni Alexander sa My Korean Jagiya pero namatay kaya two weeks lang napanood.

Nabalitaan namin na isa siya sa guest sa gaga­wing Meet-and-Greet ni Alexander sa December 23 sa Fi­shermall. Guests din daw sina Heart Evangelista, Andy Ryu, at Gil Cuerva.

Nangunguha ng mga babae pinananabikan Sa MMFF

Hindi lang sa cast ng Haunted Forest excited ang moviegoers na mapanood na ang MMFF entry ng Regal Multimedia, Inc.,  gusto na ring makilala ng tao ang Sitsit. Nakakatakot ang hitsura ng Sitsit na sabi ni director Ian Lorenos ay nangunguha ng mga babae.

Sa December 25, ang simula ng MMFF at simula na rin ng showing ng Haunted Forest na tinatampukan din nina Joey Marquez, Jerald Napoles, at Raymart Santiago.

Show comments