Nikki nanganak na sa panganay

Isa nang ganap na ina ang da­ting MYX VJ, ang singer-actress na si Nikki Gil courtesy of her husband na si BJ Albert.

Baby boy ang isinilang ni Nikki last Monday, November 20 na ang pangalan ay Finn.

Sina Nikki at BJ ay ikinasal noong November 21, 2015 sa isang garden wedding sa Sta. Elena Golf and Country Club in Laguna na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Si Nikki ay naging kasintahan ng singer-TV host Billy Crawford for five years bago nagkahiwalay ang dalawa in 2013.

Billy is now engaged to be married sa young actress na si Coleen Garcia.

Palitan ng bida ‘di na problema

Alam mo, Salve A., hindi talaga maiiwasan ang pagpapalit ng mga artista sa cast ng pelikula o maging ng mga TV series dahil sa mga hindi inaasahang problema.

Kung matatandaan pa, si JM de Guzman ang first choice para gumanap sa pelikulang #WalangForever  na kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Quantum Films bilang kapareha ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Pero nagkaproblema ang production kay JM kaya siya’y pinalitan kayJericho Rosales and it was a blessing in disguise dahil hindi lamang kumita sa takilya ang pelikula kundi ito pa ang nagpapanalo sa dalawang lead stars na sina Jennylyn at Jericho bilang Best Actress at Best Actor respectively.

Balik tambalan sana sina Jericho at at Jennylyn sa panibagong MMFF project na All of You pero hindi ito natuloy dahil sa conflict ng schedule ni Jericho dahil meron itong ibang movie na ginagawa, ang isa pang MMFF movie na Siargao na pinagtatambalan naman nila ni Erich Gonzales kaya ang role ni Jericho ay napunta kay Derek Ramsay na unang nakatambal ni Jennylyn sa 2014 MMFF hit movie na English Only, Please na siya ring nagpapanalo sa dalawa bilang Best Actor at Best Actress sa 2014 MMFF Awards night.

Si Christian Bables ang original na muling gaganap sa papel na Barbs, ang role na una niyang ginampanan sa hit and award-winning movie na Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Si Christian din sana ang gaganap na Barbs sa spin off ng pelikula na TV series, ang Born Beautiful na muli sana nilang pagsasamahan ni Paolo pero tumanggi umano ito kahit nakagawa na ng teaser na muling pinamamahalaan ng mag-partner na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. 

Ang ginawa na lamang ng mag-partner ay pinalitan nila si Christian at ibinigay ang role kay Martin del Rosario.

Ivan apektado ng pagbalik ni Atom sa GMA

Totoo kaya ang balitang nakakaramdam umano ng insecurity ang mga datihang Kapuso news & public affairs broadcast journalists dahil sa muling pagbabalik sa kanilang kuwadra ng broadcast journalist na si Atom Araullo dahil umano sa ibinibigay ng special attention at treatment na ibinibigay rito? Partikular na si Ivan Mayrina ang nasi-single out among the Kapuso broadcast journalists.

Show comments