Sandara walang kasawaan sa Pilipinas, bitbit ang Korean idols sa kanyang birthday
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2017 - 4:00pm

Kahit isang big star sa South Korea si Sandara Park, hinding-hindi nito puwedeng kalimutan ang Pilipinas na ikinu-consider niyang second home at dito unang nakilala matapos siyang sumali sa reality talent contest na Star Circle Quest ng ABS-CBN noong 2004.

Kapag may libreng oras si Dara ay mas gusto niyang lumipad ng Pilipinas at dito magbakasyon.

Puwede ngang i-consider na Philippine Tourism ambassadress si Dara dahil sobra niyang ipini-promote ang Pilipinas sa Korea at karamihan sa Korean friends niya ay naisama na niya rito at lahat sila ay nag-enjoy.

Sa Pilipinas din minabuti ni Dara na mag-celebrate ng kanyang ika-33rd birth­­day kasama ang kanyang mga kai­bigan dito at sa Korea. Isinama rin ni Dara ang kanyang kapatid na si Thunder, ang isang member ng Big Bang na si Seungri at dati niyang kasamahan sa 2NE1 na si CL na ipinasyal niya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Dara turned 33 last November 12.

Ang nakakatuwa pa kay Dara, she’s in touch sa mga kaibigan niya rito sa Pilipinas lalo na `yung  dati niyang mga kasamahan sa bakuran ng ABS-CBN.

Isabel iniwang mag-isa ang nanay

Ngayong naihatid na ang si­  nger-actress na si Isabel Granada sa kanyang huling hantungan, pinag-iisipan ng kanyang Spa­nish mom na bumalik na lamang ng Spain kung saan naroon ang kanyang mga kamag-anak.

Mag-isa na ngayon si Mommy Guapa (Isabel Villarama) dahil pa­reho nang wala ang kanyang mag-ama. Ang ama ni Isabel ay yumao noong 1995.

Ang kaisa-isang apo ni Mommy Guapa kay Isabel sa ex-husband nitong si Jericho “Geryk” Aguas ay nakapisan sa kanyang dad. Pero hindi ikinakaila ni Mommy Guapa na talagang minahal niya ang Pilipinas tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sariling bansa.

Sa part naman ng second husband ni Isabel na si Arnel Principe-Cowley, hindi pa rin siya decided kung babalik ng Australia kung saan naroon ang kanyang mga kaanak. Pero kinu-consider din ­niyang mag-stay ng Pilipinas dahil sa kanilang negosyo ng kanyang namayapang misis at ilang kaibigan.

Although may dalawang anak si Arnel sa kanyang unang misis, sobra ang naging impact sa kanyang buhay ni Isabel.

“She was not only my wife, she was also my best friend. We do things together,” pahayag pa ni Arnel na hanggang ngayon ay hindi pa rin halos ma­ka­paniwala na wala na ang kanyang wife.

Sofia hands on sa debut album

Natutuwa si Sofia Gonzales, ang panganay na anak ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring Gonzales-Romualdez na binigyan siya ni Boss Vic del Rosario ng Viva ng free hand para pumili ng original songs and composers na mapapasama sa kanyang debut album under Viva Records.

Nagkita sina Sofia at ang young composer na si Nica del Rosario na siya ring nag-compose ng debut single nitong Pikit-Mata at nagku-collaborate sila sa songs para sa kanyang unang album.

Samantala, hindi isinasara ni Sofia ang posibilidad na mag-artista rin tulad ng kanyang mom but singing will always be her priority.

Bukod sa pagkanta, nagsusulat din ng songs si Sofia and she plays various musical instruments tulad ng guitar, ukelele, piano, and organ at talent din siya for musical arrangements.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.