GMA kinilala sa 39th CMMA

MANILA, Philippines — Umani ng 13 parangal ang GMA Network sa 39th Catholic Mass Media Awards (CMMA) para sa iba’t-ibang Kapuso programs at personalidad na nagtataguyod ng magandang asal sa telebisyon at radyo.

Ang top-rating weekly family sitcom na Pepito Manaloto  ay naiangat sa Hall of Fame for Best Comedy Program ngayong taon. Nauna nang napanalunan ng programang pinangungunahan ni multi-awarded comedian Michael V. ang Best Comedy award noong taong 2010, 2011, 2013, 2015, at 2016.

Nagwagi namang Best News Magazine Program ang most-awarded news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pinarangalan din ng CMMA ang multi-awarded investigative program na Reporter’s Notebook bilang Best Public Service Program.

Ang special coverage ng GMA Network sa 2016 national elections na Eleksyon 2016 ay tinanghal na Best Special Event Coverage. Ang most in-depth coverage ng national elections ay pina­ngunahan ng mga GMA News pillar na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho.

Show comments