Sunshine sinupalpal ang mga nanghihinayang sa kanila ni Cesar

Kabilang si Teresa Loyzaga sa nag-comment sa ipinost na picture ni Sunshine Cruz kung saan siya naka-one-piece black swimsuit. Ang sexy naman kasi ng aktres, kaya sabi ni Teresa, “U go girlfriend!!! Boom!!!”

May mga nag-comment din kung bakit siya iniwan ni Cesar Montano kahit pa maganda at sexy ito.

Sa nag-comment na sayang ang moment na kasama ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar sa isang bakasyon, ang sabi ni Sunshine, “5 years na po kaming hiwalay. We have all adjusted. We are both in a much better place away from each other.”

Nakakatuwa palang sama-sama ang mga anak nina Sunshine at boyfriend nitong si Macky Mathay sa bakasyon nila. Ang gandang tingnan na sabay-sabay nagsu-swimming at kumakain ang tatlong anak ni Sunshine at tatlong anak ni Macky.

Mga igorot na nanood ng concert ni Gary V. nagtago sa mga puno

Kakaibang concert ang ginawa ni Gary Valenciano sa Sagada at first time yatang nagkaroon ng concert doon na tinawag na A Concert In The Clouds last October 29. Kasamang nag-perform ni Gary sa one and a half hour show sina Joey Ayala, Ely Buendia, Raymond Launchengco, Up Dharma Down, Abby Asistio, Freddie Aguilar at mara­mi pang iba.

Ayon kay Angeli Pangilinan-Valenciano, ginawa sa gitna ng Sagada ang concert organized by Sagada elders for their special people sa first Sagada Music and Arts Festival na pakikipagtulungan ni Ed Formoso, sa Sagada Government at Department of Tourism, kasama ang Duty Free Philippines.

Kuwento pa ni Angeli, nahiyang manood ang ilang Igorot na nagtago sa likod ng puno. After the concert, tulung-tulong ang lahat na linisin ang concert ground, kaya walang naiwang kalat.

Nabanggit pa ni Angeli na may inayawang US Tour si Gary in favor of the concert in Sagada na hindi nito pinagsisihan.

Hindi nakuntento sa sabon, Janice gumagawa na rin ng lip balm

Hindi na lang pala sabon ang ginagawa ni Ja­nice de Belen dahil guma­gawa na rin siya ng lip balm. Nagbasa at nag-research lang sa Internet si Janice para gawin ang honey/chamomile lip balm.

“It gives me so much joy to be able to experiment and succeed at it. While, sometimes mistakes are still made, that’s all a part of it,” post ni Janice sa kanyang social media account.

Una nang gumawa ng tatlong klase ng sabon si Janice na ang isa ay made of bamboo verbena with poppy seeds, ang isa nama’y gawa sa lime leaves vanilla oatmeal and poppy seed, at mayroon siyang vanilla, milk and chocolate soap with oatmeal.

Samantala, enjoy na enjoy ang viewers ng My Korean Jagiya kay Janice na lumabas ang pa­gi­ging komedyante. Nakikipagsabayan siya sa husay ni Ricky Davao at kilig-kiligan naman sila sa mga eksena nina Janice at Raymart Santiago.

Aktor tapos na ang kalbaryo

Hindi na ma-i-stress ang leading man ng isang series dahil nami-maintain ang mataas na ratings ng tinatampukan nitong show at positive pa ang feedback ng viewers. Ilang months ding na-stress ang aktor dahil talo sa rating ang kinabibilangang show.

Marami ang bagong viewers ng show at ang nakakatuwa pa, pati mga bata ay hooked na sa show.

Na-stress ito noon dahil todo ang build up sa kanya at pinapirma pa ng kontrata. Ang feeling nito, hindi niya nasusuklian ang tiwala at treatment sa kanya ng network.

Pero ngayon, kita ang pagbabago ng aura ng aktor at lagi nang masayahin.

Show comments