Matteo walang pinalalampas na trabaho kay Kim

Matteo Guidicelli

Si Matteo Guidicelli ang katambal ni Kim Chiu sa pelikulang The Ghost Bride na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 1. Napabalitang pinagselosan diumano si Kim ng kasintahan ng aktor na si Sarah Geronimo habang ginagawa ang nasabing proyekto. “Hindi naman. Kim and I, we’ve been friends ever since and Sarah knows that. Sarah is very cool with Kim,” paglilinaw ni Matteo.

Hindi raw kasi nagdalawang-isip na tanggapin ng aktor ang proyekto nang malaman na si Kim ang makakasama dito. Bukod sa parehong Cebuano ay mahilig din sina Matteo at Kim sa sports kaya magkasundong-magkasundo sila. “Every time they offer me a job with Kim, I always say yes to it because I am comfortable with Kim. We are not just colleagues, we are friends. We started off eleven years ago together. Ang sarap makatrabaho si Kim. We vibe so well because she’s Bisaya tapos she’s running now. She’s a wonderful person. Kim is nice to work with, walang arte,” paliwanag ni Matteo.

Samantala, kahit hindi perpekto ay masasabi naman daw ng binata na talagang maayos at masaya ang kanilang relasyon ng Popstar Princess. “It’s great. I can’t ask for more. It’s close to perfect. It’s not perfect but it could be perfect one day. I can’t ask for more,” giit ni Matteo.

Elisse, aminadong si Mccoy lang  ang nasa puso

Malaki ang pasasalamat ni Elisse Joson sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa teleseryeng The Good Son kung saan kabilang sila ni McCoy de Leon.

Para sa aktres,  isang malaking karangalan na mapabilang sa isang proyekto na napapanood sa Primetime block ng Kapamilya network. “Thankful ako kasi ang dami ring sumusuporta. Siyempre nagustuhan din nila ‘yung story and sana patuloy lang po nilang suportahan gabi-gabi,” bungad ni Elisse.

Bukod sa serye ay malapit na ring ilabas ang isang bagong album ng tambalan ng McLisse.

Ayon sa baguhang aktres ay natutupad na raw unti-unti ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “There’s a lot to watch out for. One would be our album, McLisse album is coming out na, malapit na malapit na ‘yan. We actually heard the songs already. So I am really excited.  ,” nakangiting pahayag ni Elisse.

Samantala, wala pa mang kumpirmasyon kung ano talaga ang estado ng relasyon ng dalawa ay aminado naman si Elisse na si McCoy lamang ang lalaking nagpapasaya sa puso niya ngayon. “We’re still really, really happy and siya lang talaga ‘yung nasa puso ko ngayon,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Show comments