Maja nag-aaral mag-english

May bulung-bulungan na isang young businessman diumano ang bagong manililigaw ni Maja Salvador. Madalas din daw na pumupunta ang binata sa bahay ng aktres ngayon.

“Paano? Nasa Tanay (location ng taping) ako lagi. Nagpapaka-Ivy Aguas (karakter ng aktres sa Wildflower) ako. Hindi po totoo,” nakangiting bungad ni Maja.

Ayon sa aktres ay matagal na silang magkakilala ng manliligaw at talagang gusto raw siya ng pamilya ng lalaki. “’Yung family, sobrang love ako ng family. Siguro kasi matagal na po kaming magkaibigan. Kaya ever since parang part na rin ako ng family since high school pa po eh,” pagtatapat ni Maja.

Samantala, bukod sa pag-arte sa harap ng kamera ay abala rin ngayon ang dalaga sa pagkuha ng English lessons. Aminado si Maja na nahihirapan siya sa pagsasalita ng Ingles kaya kinakailangan niya itong pag-aralan nang husto.

“Hindi pa naman po katapusan ng lahat. Hindi porke’t hindi ka confident sa English eh hindi mo na puwedeng i-try. Parang minsan kasi talaga maging honest ka kung saan ka mahina at kung saan ka magaling,” makahulugang pahayag ng aktres.

Tony crush si Liza, trip din si heart noon pa

Unti-unti nang nakikilala si Tony Labrusca na anak ng model-actor na si Boom Labrusca.

Unang napanood si Tony bilang contestant sa Pinoy Boyband Superstar noong isang taon. Ngayon ay regular na napapanood ang binata sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Wala raw kasintahan ngayon ang baguhang aktor pero aminado naman na talagang crush niya si Liza Soberano. “I feel I will get in trouble if I say this. For me nagagandahan talaga ako kay Liza. Wala siyang bad angle and for me, what makes her most beautiful is kitang-kita mo talaga na sobrang bait niya. I don’t know her personally but what she presents and exudes on TV is that she’s a really good person. I think that’s one of the qualities that I really look for in a girl. If she’s nice and genuinely kind,” pagbabahagi ni Tony.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktor na makatrabaho sa isang proyekto si Liza. “Sure, why not? That would really be cool,” giit niya.

Bukod kay Liza ay humahanga rin si Tony sa ganda ng asawa ni Senator Chiz Escudero na si Heart Evangelista. “Nagagandahan ako kay Heart Evangelista ever since noong nakita ko siya sa Tanging Ina, pagtatapos ni Tony.

Show comments