JC kinapitan ng swerte

Congratulations kina Bela Padilla at JC Santos, mga panguna­hing bituin ng 100 Tula Para Kay Stella na dinirek ni Jason Paul Laxamana for Viva Films dahil ang nasabing pelikula ang nanguna sa pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino last Wednesday, August 16 out of the 12 official entries.  Ito’y magtatapos on August 22, 2017 pero ang malalakas na pelikula na kalahok sa PPP ay malamang mag-extend sa mga sinehan.

Panalo ang Viva Films dahil bukod sa 100 Tula Para Kay Estela, co-producer ang Viva sa Finally Found Someone nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na kumita umano ng mahigit P250-M habang ang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez under Spring Films ay tumabo sa takilya ng almost P350-M at sosyo rin sa nasabing movie ang Viva Films na siya ring nag-distribute ng pelikula.

Sa story conference ng Meant To Beh na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta kung saan din kasama si JC Santos last Monday, August 14 ay maaga naming binati ang actor dahil sa magandang feedback ng 100 Tula Para Kay Stella nila ni Bela.

Napaka-suwerte ni JC dahil kahit nakakaisang taon pa lamang siya sa showbiz ay sunud-sunod ang dating sa kanya ng magagandang projects matapos siyang ipakilala sa Till I Met You na pinangunahan ng reel and real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre. Gustung-gusto namin ang pagiging simple at grounded ni JC sa kabila ng sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Serye ng Joshlia nakasalalay sa pelikula

Marami ang naniniwala (including this writer) na may unawaan na sa isa’t isa sina Julia Barretto at Joshua Garcia, mga pangunahing bituin ng upcoming movie ng Star Cinema, ang Love You To The Stars and Back na dinirek ni Antoinette Jadaone.

Sina Julia at Joshua ay unang nagtambal sa hit 2016 Metro Manila Film Festival movie na Vince & Kath & James kung saan din nila kasama si Ronnie Alonte na dinirek ni Theodore Boborol for Star Cinema.  Matapos maipalabas ang pelikula ay patuloy na nagkikita ang dalawa sa iba’t ibang mahahalagang okasyon ni Julia.

Although may followers din ang tambalan nina Julia at Ronnie, mas swak ang tambalan nina Julia at Joshua.

Kapag kinagat sa takilya ang Love You To The Stars and Back, tiyak na susugalan din sila ng sarili nilang teleserye na silang dalawa mismo ang lead stars.

Chitty Chitty  nasa Resorts…

We bumped into Franco’s younger sister na si Yanah Laurel sa press and trade launch ng upco­ming musical production ng Resorts World Manila, ang local adaptation ng Ian Fleming’s Chitty Chitty Bang Bang na tinatampukan nina Yanah, Gian Magdangal, Menchu Lauchengco-Yulo at marami pang iba mula sa direksiyon ni Jaime del Mundo with Menchu Lauchengco-Yulo as assistant director, artistic direction ni Michael Williams at music ng Manila Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Maestro Rodel Colmenar.

Ang Chitty Chitty Bang Bang ay magbubukas on October 27 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Ito bale ang pang-walong musical production ng RWM.

Show comments