Bela

Bela kinontra ang ibinuko ni Vice sa kanila ni Zanjoe
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Kahit ibinuko na ni Vice Ganda, wala pa ring i­naamin si Bela Padilla sa sinasabing relasyon nila ni Zanjoe Marrudo.

Kahapon sa pocket presscon ng pelikulang 100 Tula Para kay Stella, na isa sa pelikulang kasali sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa August 16 to 22, muli niyang itinanggi ang sinasabing relasyon nila ng actor na nakatrabaho niya sa nagtapos na serye ng ABS-CBN.

“Wala po. Hindi po. ‘Yun pong sinasabi ko na chance, wala naman siyang hinihingi so paano bibigyan ng chance,” ang balik-tanong ni Bela sa mga nag-i-interview.

Single na single raw siya pagkatapos ng relasyon nila ni Neil Arce na sinasabing boyfriend naman ngayon ni Angel Locsin. Pero handa na raw siya sa bagong lovelife.

Eh ba’t nag-insinuate si Vice Ganda na sila na nga nang mag-guest siya sa programa ng huli na GGV? “Hindi ko alam kung bakit nasabi ‘yun ni Vice,” na nali-link din noon kay Zanjoe.

Anyway, ang sabi ni Bela, nasa 100 Tula... ang concentration niya sa kasalukuyan.

Nakiusap pa siyang sana naman si JC Santos muna ang pag-usapan na leading man niya sa 100 Tula...

Igan

Igan nakagawa pa ng libro kahit ‘di na natutulog

Thirty years na pala sa industriya ng pagbabalita sa radyo at telebisyon si Arnold Clavio.

Yup, maituturing na ngang alamat ang isa sa mga ikinu-consider na respected veteran journa­list and broadcaster.

Taong 1989 nang magsimula siya sa GMA 7  bilang radio reporter for DZBB. Pero nagsulat muna siya sa iba’t ibang news programs bago siya  nag-on cam. Nauna siyang napanood sa Brigada Siete noong 1994 bilang reporter.

Simula na ‘yun ng kanyang career na nakilala sa pagiging matapang pero idinadaan ang pagpitik sa masayang paraan.

Sa kasalukuyan, parang hindi na yata siya natutulog. Isa siya sa main hosts ng pang-umagang programa ng GMA na Unang Hirit at main anchor din sa late night newscast ng network na Saksi. Parehong Monday to Friday ‘yun. Bukod pa ang pagiging anchor niya sa radio program na Dobol A sa Dobol B with Ali Sotto na daily rin at host din ng public affairs program na Alisto. At hindi pa ‘yan, meron pa siyang Tonight with Arnold (TWAC) na napapanood naman every Wednesday night sa GMA News TV.

At ito, meron pa siyang pinagkakaabalahang iGan Foundation na tumutulong sa mga batang may sakit at mga may diabetes bilang isa rin siyang diabetic.

Kaya naman bilang selebrasyon ng kanyang 30th anniversary, inilunsad niya ang isang libro, ang Iskets, Piktyur at Tula noong August 5, Sabado na dinaluhan ng malalapit niyang mga kaibigan.

Ito ay bilang pasasalamat na rin niya sa lahat ng sumusuporta sa kanya at sa Panginoon.

 “Ito ay nabuo bilang pasasalamat ko rin sa Panginoon na 30 taon na nag­lilingkod ako sa propesyong napili ko. Salamat sa talent na ibinigay ng nasa taas,” he said.

He added that technology helped him in sharing his works. “Nagkaroon ng social media, technology, bagong apps, mas naging madali nang i-express kung ano man ang nasa loob,” dagdag niya.

 “Alam kong bawat isa sa atin may ibinigay na regalo. Tuklasin natin ‘yan para sa pagpuri sa Kanya. Kapag gumagawa ako ng sketch at tula, gumagaan ang pakiramdam ko parang andun ‘yung biyaya kasi ibinabalik ko sa Kanya, hindi mo sinasayang ‘yung ibinigay niyang talent,” pagbabahagi niya sa mga dumalo.

“Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan noon at ngayon na nakiki-celebrate sa aking 30 taong paglilingkod,”  dagdag ni iGan.

Jimmy

70 years old na si Jimmy hindi inakalang magiging ama pa

Lolo na, nakabuo pa.

‘Yan si Mr. Jimmy Gil, 70 years old, isa pang beteranong broadcast journalist na ama ngayon sa sampung buwang baby girl na si Anna Cristina.

Sino nga naman ang mag-aakalang magiging ama pa si Mr. Gil matapos siyang magpakasal uli (namatay ang kanyang unang asawa) lalo na nga’t never naman daw nilang pinag-usapan ng pangalawang misis ang magkaanak dahil meron na siyang  mga anak sa naunang misis.

Kaya naman laking gulat niya at ng mga taong nakakakilala sa kanya nang marinig ang balita sa misis na siyempre ay mas bagets sa kanya.

Ang naging sekreto ni Ms. Gil, umiinom siya ng Enduranz Capsule for Men food supplement.

“It’s unexpected but it’s a welcome surprise. Half of it is divine intervention, the other half is Enduranz Capsule,” pag-amin ng host ng Jimmy Gil Live na naririnig sa DZBB gabi-gabi 8:00 to 9:00 p.m.

Kaya naman masaya ang may-ari ng Endu­ranz sa naging epekto ng kanilang supplement kay Mr. Gil. “We are equally happy of Jimmy’s beautiful blessing and we couldn’t be happier to have him on board to tell his personal experience. Jimmy is a living testament to what Enduranz Capsule for men can do when taken as instructed,” pahayag kahapon ni Mr. Jerome Filler, regulatory pharmacist ng Natural Quality Corporation na gumagawa ng Enduranz.

Kaya sa mga lolo diyan ayan may pag-asa pa kayo. Basta magpaka-healthy lang at dapat keri pa rin ng misis n’yo na magkaanak.                                         

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with