Juday at Ate Vi pareho ang gustong gawin
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2017 - 4:00pm

Kung pamimiliin ang misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos-Agoncillo kung sino kina Cong. Vilma Santos at Piolo Pascual ang gusto niyang maunang makatrabaho, walang kagatul-gatol na si Cong. Vilma ang una niyang pipiliin dahil matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang Star for All Seasons.

At para namang iisa ang isipan nina Cong. Vi at Juday dahil sinabi rin ng misis ni Sen. Ralph Recto na gusto rin niya makasama sa pelikula si Juday bukod pa kay Sharon Cuneta na never din niyang nakatrabaho pa sa pelikula.

Juday is back sa telebisyon sa pamamagitan ng bagong season ng franchise kiddie game show na Bet On Your Baby. Ma­tagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula at TV series si Juday na ang hu­ling serye pa ay nung 2013 pa sa pamamagitan ng Huwag Ka Lang Mawawala habang ang last movie niya ay ang indie movie na Kusina at naging kalahok sa 12th Cine­ma­laya Indepen­dent Film Festival.

Dapat sana’y may gagawin siyang te­le­­serye in 2015, ang Someone To Watch Over Me na pagsasamahan sana nila nina Richard Yap at Diether Ocam­po pero hindi ito natuloy dahil sa hindi ina­asahang pagbubuntis ni Juday sa bunsong anak na si Luna.

Xian wala munang pelikula

Excited ang singer-actor na si Xian Lim sa kanyang upco­ming concert sa The Theatre at Solaire sa dara­ting na July 15 na pinamagatang Songs in the Key of X kung saan niya makakasama as special guests ang singer-actor na si Matteo Guidicelli at KZ Tandingan dahil bihira niya itong gawin. Mas nagmarka na kasi sa publiko ang kanyang pagiging actor more than his being a singer.

Ang mom ni Xian na dating piano teacher ang nagturo kay Xian na tumugtog sa piano hanggang magustuhan din niya ang pagtugtog ng iba’t ibang instrumento tulad ng trombone, saxophone, xylophone, cello, ukulele, guitar, at harmonica.

Lately, walang gaanong project si Xian na kasama niya ang kanyang rumored sweetheart at ka-loveteam na si Kim Chiu dahil nasa magkahiwalay silang proyekto.

Huling napanood si Xian sa pelikulang Dear Other Self with Jodi Sta. Maria and Joseph Marco at meron din siyang ginagawang movie with Coleen Garcia and an upcoming TV series.

Kasalan sa December sunud-sunod

Dalawang celebrity pairs ang nakatakdang ikasal sa dara­ting na Disyembre, ang singer-comedienne na si AiAi delas Alas at fiancé nitong si Gerald Sibayan at ang isa pang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Sina AiAi at Gerald ay nakatakdang ikasal in still undisclosed church (most likely in Quezon City) on December 12 habang sina Anne at Erwan ay sa ibang bansa ikakasal.

Tiyak na tototohanin ng `twin sister’ ni AiAi na si Marian Rivera na sagot niya ang wedding gown at bouquet ng singer-comedienne. Si Marian at husband nitong si Dingdong Dantes ay kasama sa secondary sponsors (candle) sa kasal nina AiAi at Gerald habang ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna- Sotto naman ang cord sponsors.

Sina Sen. Ralph Recto at Rep. Vilma Santos ay dalawa sa mga tatayong principal sponsors at iba pa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with