Pacquiao uunahin ang pagpapakondisyon

MANILA, Philippines -  Kagaya ng kanyang nakaugalian, gagawin muna ni Manny Pacquiao ang pag­papakondisyon bago su­mabak sa maaksyong sparring session.

“Ibig sabihin, ihahanda lang muna namin si boss pa­ra pagdating ni coach Freddie (Roach) kaya na niya ng mabibigat na rou­tine,” sabi ni assistant trainer Buboy Fernandez kay Pacquiao sa report ng Philboxing.com.

“Besides, magbabago na namang bigla ang buhay ni boss,” dagdag pa ng kababata ng Filipino world eight-division champion.

Sisimulan ni Pacquiao ang kanyang nine-week trai­ning sa  Elorde Gym sa Mall of Asia complex sa Pasay City bilang preparas­yon sa kanilang upakan ni Australian challenger Jeff Horn.

“Balik-ensayo, balik-bok­sing at siyempre exci­ted na makaamoy na naman ng gym, makapagsuot ng bo­xing glove, sumuntok sa heavy bag, double end at speed ball,” wika ni Pacquiao na naging abala sa kanyang trabaho sa Sena­do.

Itataya ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight title laban kay Horn (16-0-1, 11 KOs) sa Hulyo 2 sa 55,000-seater Suncorp Sta­dium sa Brisbane.

Ito ang unang laban ni Pacquiao matapos domi­na­­hin si Jessie Vargas via una­nimous decision para agawin sa Mexican ang bitbit nitong WBO title noong Nobyembre.

Show comments