Beauty nagka-nerbiyos pagkapanganak!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2017 - 12:00am

Sa Lunes ay magsisimula na ang teleseryeng Pusong Ligaw na pagbibidahan nina Diego Loyzaga, Sofia Andres, Bianca King, Joem Bascon, at Beauty Gonzalez. Sobrang nerbiyos daw ang naramdaman ni Beauty sa kanyang pagbabalik sa telebisyon pagkatapos manganak noong isang taon.

“Ninerbiyos ako but I’m ready to take the challenge and I will take the challenge at gusto kong makita ako ng ibang tao bilang kakaibang Beauty Gonzalez. Hanggang maaari, ayaw kong tumanggi sa trabaho. Kasi gusto ko ‘tong gawin eh. As long as kinukuha nila ako, why not? At ang laking pasasalamat ko do’n,” pahayag ni Beauty.

Bilang paghahanda ay muling nag-workshop ang aktres para sa kanyang role sa nasabing serye.

Samantala, nalalapit na ang pagpapakasal ng aktres sa kasintahang si Norman Crisologo. Kakayanin daw ni Beauty na pagsabayin ang trabaho at pagiging asawa at ina para sa kanyang pamilya. “As of now nagawa ko naman lahat. Being a mom, being a housewife, being an actress and also being myself. Nagawa ko naman na siya lahat at hindi pa ako nababaliw, kaya ko na,” natatawang pahayag ni Beauty.

Lotlot aprub sa lovelife ni Janine

Napababalitang magkasintahan na diumano sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz ngayon. Matatandaang si Elmo Magalona ang huling naging kasintahan ng aktres.

Nagbigay ng reaksyon ang inang si Lotlot de Leon tungkol sa relasyon na raw nina Janine at Rayver.

“Basta kung saan siya masaya. Basta maligaya siya, okay lang sa akin. ‘Wag lang nakikita ko ‘yung anak ko na nasasaktan. Gano’n pala ‘yon, bilang magulang ‘pag nakita mo ‘yung anak mo na nasasaktan, you feel so helpless. Hindi ka makagawa ng paraan para tumigil ‘yung sakit na nararamdaman niya. So kapag masaya sila, mas masaya ako,” nakangiting pahayag ni Lotlot.

Boto kaya ang aktres kay Rayver kung sakaling maging kasintahan ni Janine? “Kilala ko naman si Rayver ever since. Nakasama ko si Rayver sa Spirits (teleserye). So I knew of Rayver since before. And kahit na matagal kaming hindi nagkikita, kapag nagkikita kami ulit parang kahapong lang. he’s a good person. He’s a good boy. Whatever happens to him, ngayon magkaibigan sila ni Janine, I don’t know what their plans are or what his plans are, maybe siya ‘yung dapat tanungin natin,” sagot ni Lotlot.

 

BIANCA KING DIEGO LOYZAGA JOEM BASCON SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with