Yassi Pressman
Yassi naghahanda para sa Darna?!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2017 - 6:47pm

Maraming mga aktres ang nangangarap na magampanan ang iconic role na Darna sa isang pelikula.

Isa na rito ay ang katambal ni Coco Martin sa Ang Probin­syano na si Yassi Pressman. “Kung may auditions, oo naman. Pakiramdam ko it’s an honor for anyone to be called the next Darna. Napakahusay ng mga naging Darna. Ako hindi ko in-expect din at wala ring nagsasabi sa akin kaya hindi ko inasahan pero mapabilang lang sa mga pinagpipilian is an honor,” nakangiting pahayag ni Yassi.

Maganda ang katawan ng aktres kaya posible talagang makasama sa mga pinagpipilian upang gumanap bilang Darna.

Ayon kay Yassi ay talagang puspusan ang ginagawa niyang workout upang mapanatiling maganda ang hubog ng katawan. “Nagba-boxing ako mga five years pero ngayon I’m doing Muay Thai. Bago pa lang siguro, mga two months na, na-bore kasi ako eh. Gusto kong nagta-try ng mga new things always. Nakakatuwa ‘yung experience dahil hindi ko akalain na gano’n siya ka-intense, nakakapagod sobra. Marami pa siyang ituturo sa akin, mga swords, mga ganyan. Sana soon ‘pag nagkaroon ng time, wala pang time (ngayon),” pagbabahagi ni Yassi.

Diego hindi na nag-e-english

Masayang-masaya si Diego Loyzaga dahil sa kauna-u­nahang pagkakataon ay makapagbibida na siya sa isang teleserye. Mapapanood na simula sa April 24 ang Pusong Ligaw kung saan ay makakatambal ng aktor si Sofia Andres.

Kabilang din sa bagong serye sina Beauty Gonzales, Joem Bascon, Bianca King at Enzo Pineda. “Unang-una ang galing, para sabihin sa ‘yo na hindi ka na pang-support, pangbida ka na. Ang hirap i-explain, i-express ‘yung feeling na marinig ‘yon. Binigyan ka ng oportunidad at pagkakatiwalaan ka ng mga bosses ng ABS-CBN. It’s definitely a dream come true bilang artista. So I’m just thankful, grateful and I love ABS-CBN,” nakangiting bungad ni Diego.

Kapansin-pansin na matatas nang magsalita ng Tagalog ang aktor ngayon. Sinisikap daw talaga ni Diego na masanay na sa pagsasalita ng Tagalog upang mas mapabuti pa ang kanyang trabaho bilang artista. “Talagang pinipili ko lang mag-Tagalog lagi at oo may rule na kami sa set, na wala ng pwedeng kumausap sa akin ng Ingles, puro Tagalog lang talaga,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Diego at ang amang si Cesar Montano kamakailan. Nagpapasalamat si Diego dahil nalampasan na niya ang pagsubok dahil na rin sa tulong ni Sofia na sinasabing espesyal sa kanya ngayon at ng inang si Teresa Loyzaga. “Nalampasan ko na eh. Nanay ko siyempre saka si Sofia. Sofia had my back throughout the whole… whatever it was,” pagtatapos ng aktor.

YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with