Pia binalikan ang Miss U: Korina nag-reminisce sa lumang apartment

SEEN: Ngayong hapon, 6 p.m., ang launch ng full trailer ng Our Mighty Yaya, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, Inc.

SCENE: Ang sexy figure ng former actress na si Nanette Medved na meron nang dalawang anak pero puwedeng-puwede pa na gumanap na Darna.

SEEN: Buhay na buhay pa rin ang tradisyon ng Pabasa sa Sotto family. Aktibo sa Pabasa ang magkakapatid na Tito, Val, Maru, at Vic Sotto.

SEEN: Ambassadress ng Miss Universe ang bagong title ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ibinigay sa kanya ng Miss Universe Organization.

SCENE: Ang reunion nina Pia Wurtzbach at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa official residence ng Miss Universe sa New York. Excited si Iris sa muling pagkikita nila ng kanyang predecessor.

SEEN: Binalikan ni Korina Sanchez ang lumang apartment sa V. Mapa, Sta. Mesa na naging malaking bahagi ng buhay niya. Sampung taon na nanirahan si Korina sa V. Mapa noong dekada ‘70.

SCENE: Ang replay ngayong tanghali ng homecoming at ng SayawNara dance number ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa ASAP ng ABS-CBN.

Show comments