Joseph, Sofia, Devon, Kiko, Cherise at Albie sinugalan ni Mother Lily
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2017 - 12:00am

Wala pang pruweba sa box-office ang mga Kapamilya actors na sina Joseph Marco, Sofia Andres, Devon Seron, Kiko Estrada, Cherise Castro, at Albie Casiño pero malaki ang tiwala sa kanila ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde para gawing bida sa upcoming horror movie ng Regal Films na Pwera Usog na isinulat at idinirek ng bagitong director na si Jason Paul Laxamana.

Mixed emotions ang pakiramdam ngayon ng mga bida ng Pwera Usog dahil sa kanila nakaatang ang tagumpay sa box-office ng pelikula.

“Siguro, bukod sa amin at ng director ng movie, malaking factor ang istorya at pagkakagawa ng pelikula,” pahayag ni Joseph Marco na isa sa mga kapareha ni Maja Salvador sa bagong simulang primetime TV series ng ABS-CBN na Wildflower.

Phillip nakawala na sa kaso

Masayang-masaya ang pakiramdam ngayon ng award-winning actor na si Phillip Salvador nang ibasura ng Makati Regional Trial Court Branch 62 sa pamamagitan ni Judge Ma. Concepcion Billones ang isinampang estafa case laban sa kanya ng negosyante at dating karelasyon na si Cristina Decena.

Bago pa man ang final hearing sa sala ni Judge Billones ay nagkausap at nagkapatawaran na sina Cristina at Ipe.

Sa sobrang tuwa ni Ipe ay pinasalamatan at niyakap umano nito ang businesswoman at dating karelasyon at natuwa rin ang mga tao na naroon nang basahin ang naging hatol ng hukuman.

Umabot din ng 14 taon ang itinakbo ng kasong isinampa ni Cristina laban kay Ipe.

John Regala takot malaman ang totoong sakit?!

Nang mabalitaan namin ang nangyari sa actor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Scherrer sa tunay na buhay) na hinimatay sa labas ng isang convenience store sa Zapote, Bacoor, Cavite last Wednesday, sinubukan namin siyang tawagan sa kanyang mobile phone maging ang isa niyang anak kung saan din kami nag-iwan ng text message pero hindi sinagot ang aming tawag at text.

Ganunpaman, sa pamamagitan ng programa ni Jessica Soho sa GMA, napag-alaman namin na totoo ngang hinimatay si John pero nang ito’y magkamalay ay hindi na ito nagpadala sa pagamutan dahil okey na ang kanyang pakiramdam.

Klinaro rin ng actor na hindi siya inatake sa puso kundi bumaba lamang ang kanyang sugar level dahil sa pagiging diabetic. 

Ganunpaman, dapat pa ring magpatingin sa doctor si John para malaman niya ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala ng ulirat.

 

 

pwera usog cast

CHERISE CASTRO DEVON SERON JOSEPH MARCO KIKO ESTRADA SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with