Kapatid ni Regine nakipagtarayan!

Nabasa namin ang sagutan sa Twitter ng isang kapatid ni Regine Velasquez at former fan (FF) tungkol sa na-tweet nito na nagpaka-PA ang Songbird sa stepdaughter niyang si Leila Alcasid.

Parehong palaban ang sister ni Regine at ang FF na naghamunan pang magkita ng face to face sa RCBC Tower sa Makati City.

Tanong ng sister ni Regine, ano ang karapatan ni FF para saktan ang kapatid niya? Kung wala raw magandang sasabihin si FF, ‘wag na itong mag-tweet pa. “Hindi nyo pag aari ang personal na buhay ng kapatid ko so kung anong gawin nya wala kayong say ‘dun. Kaya pede wag feeling?”

Hindi nagpatalo si FF dahil nag-tweet ng “I didn’t delete my tweets. I didn’t deactivate. I stand by what I said. Truth hurts no matter how you say it. AT WALA KAYONG PAKI hahahaha!”

Anyway, humupa na ang isyung ito sa parte ni Regine. Nag-post si Michelle van Eimeren ng “Love you @reginevalcasid very special lady.”

Samantala, sa Sabado na ang pilot ng Full House Tonight, ang musical-comedy show kung saan kakanta at magku-comedy si Regine. After ito ng Magpakailanman at sa direction nina Louie Ignacio at Floy Quintos.

Sheena nagpakita ng boobs sa presscon

Si Miss Thailand Universe Chalita Suan­sane ang peg ni Sheena Halili sa ayos niya sa presscon ng Destined To Be Yours. Fan ni Miss Thailand ang aktres at biro nito, kahit man lang one night ay ma-achieve niya ang look ni Chalita.

Natuwa ang press people kay Sheena dahil for the first time ay daring ang suot nito. Mala-swimsuit ang top, walang bra kaya hindi lang cleavage ang kita at ang boobs na talaga, minus the nipples siyempre. Natawa si Sheena sa comment ng isang reporter na finally, she dressed her age dahil 30 years old na pala ito.

Ang Destined To Be Yours ang unang show sa bagong kontrata sa GMA-7 ni Sheena. She’s playing Ninay, childhood friend ni Sinag (Maine Mendoza) at dahil sila ang madalas magkaeksena at magkasama sa tent (together with Koreen Medina), friends na sila. Nag-swak daw ang personality nila ni Maine nang wala silang effort.

Simula na ang airing ng Destined To Be Yours sa February 27 after Encantadia, sa direction ito ni Irene Villamor.

Sarah at Bea inaabangan din sa marathon

Si Gerald Anderson pala ang Philippine representative sa Los Angeles Marathon na gaganapin on March 19. Kaya pala tutok ito sa paghahanda dahil hindi biro ang sasalihang marathon. Tanong ng fans, samahan kaya ni Bea Alonzo si Gerald para dagdag inspirasyon nito?

Tuloy naman ang paghahanda nina Piolo Pascual, Ivan Carapiet, at Matteo Guidicelli para sa pagsali sa Ironman 70.3 sa August na gagawin pa rin sa Cebu. Last year, sinamahan ni Sarah Geronimo si Matteo sa Cebu, this year kaya, present pa rin siya?

Ashley hindi gagawing bad girl ng GMA

Magbabago ang roles na gagampanan ni Ashley Ortega dahil sa success ng TVC ng Kwentong Jollibee Valentine Series. Hindi na raw bibigyan ng kontrabida roles ang GMA Artist Center talent, at hindi na all out bad girl.

Nabalitaan naming prinesent sa GMA-7 si Ashley at kapareha nito sa TVC na Crush na si Enrico Cuenca at talent pala ni Jonas Gaffud. Hindi na lang sila sa TVC magkakapareha, pati na rin sa shows ng Kapuso Network. Ito ay kung maganda ang magiging pag-uusap ng network at ni Jonas.

Show comments