Dayanara kinuyog nang dumating

SEEN: Lumampas na sa US 14 million ang gastos ng businessman na si Luis “Chavit” Singson sa 65th Miss Universe.

Inaasahan ni Singson na lolobo pa ang gastos niya.

SEEN: Kinuyog ng mga TV crew ang pagdating kahapon ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa Ninoy Aquino International Airport.

Imbitado si Dayanara sa 65th Miss Universe coronation sa January 30.

SCENE: Magkasabay na magbubukas ngayon sa mga sinehan ang Foolish Love ng Regal Entertainment, Inc. na bida sina Jake Cuenca at Angeline Quinto at ng Across The Crescent Moon na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

SEEN: Nakatulong sa promo at publicity ng Across The Crescent Moon si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa. Isang character actor ang gumanap na Bato dela Rosa sa Across The Crescent Moon.

SEEN: Ang mga feedback na hindi ang kahinaan sa pagsasalita ng Ingles ang problema kay Miss Universe Philippines Maxine Medina dahil mas umiiral ang kanyang mababaw na sagot sa mga tanong.

SCENE: Sina Boy Abunda at Louie Heredia ang mga celebrity godfather sa dedication kahapon sa anak na babae ng former beauty queen na si Shamcey Supsup at ng asawa nito na si Lloyd Lee.

Show comments