Alfred, binata na ang anak sa Encantadia

MANILA, Philippines -  Answered prayer na nga talaga dahil kumpirmado na ang extension ng Encantadia sa telebisyon.

Ibig sabihin, mas marami pang aabangan sa iconic at top-rating na GMA telefantasya. At isa na nga rito ay ang pagbabalik ng mahusay na aktor na si Alfred Vargas sa telebisyon.

Gagampanan niya ang papel ni Amarro, ang ama ni Aquil (Rocco Nacino). Kaya naman si Rocco, sinabi na sa lahat na “Lagot kayo sa daddy ko!” dahil dumating na ang kanyang ama. Pero siya kaya ay kalaban o kakampi? 

Samantala, mukhang hindi pa nga talaga matatapos ang Encantadia dahil sa marami pa nitong sorpresa.

Isa sa mga pasabog nito this year ay may bago raw itong set, mas pinagandang effects at iba pang kaabang-abang na revelations!

Show comments