Maxine malaki ang chance sa Miss Photogenic

SEEN: Dumalo sa Women’s March sa Sweden noong Sabado si Cloie Syquia Skarne. Suot ng anak ni Gabby Concepcion ang kanyang Miss Earth Sweden sash na reminder sa ibang mga nagmartsa na beauty queen siya.

SCENE: Malaki ang tsansa ni Miss Universe Philippines Maxine Medina na makuha ang Miss Photogenic special award sa 65th Miss Universe kung pipiliin ang mananalo sa pamamagitan ng Internet voting dahil masipag bumoto ang mga Pilipino.

SEEN: Malakas sa social media si Miss Universe Venezuela Mariam Habach dahil sa lahat ng mga kandidata ng 65th Miss Universe, ang mga litrato niya ang may pinakamaraming likes.

SCENE: Tiniyak ng malalapit kay Miss Universe 1993 Da­yanara Torres na darating ito sa Pilipinas kaya inaayos na ang schedule ng kanyang mga television guesting.

SEEN: Nagtataka ang Latino fans ni Dayanara Torres dahil nakakapagsalita siya ng Tagalog. Nalimutan nila na matagal na nanirahan sa Pilipinas si Dayanara at nagkaroon ng mga regular television show sa ABS-CBN at ABC 5.

SCENE: Ang mga ilong na banat na banat kaya hindi na normal ang tangos ang common denominator ni Jak Roberto ng Meant to Be at ng newcomer actor na si Dave Bornea na napapanood sa Alyas Robin Hood ng GMA-7.

SEEN: Ikinasal noong Sabado sa Sampaguita Gardens si Congressman Edward Maceda sa kanyang dermatologist girlfriend na si Dr. Gel Lazaro. Anak si Maceda ng movie producer na si Marichu Vera Perez Maceda at ng yumaong senador na si Ernesto Maceda.

Show comments