Bela Padilla nagpapaturo sa batikan na magsulat!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2017 - 12:00am

Sayang at nakipaghiwalay na si Bela Padilla sa nobyong si Neil Arce na apat na taon din niyang nakarelasyon.

Walang ibinigay na dahilan ang aktres sa kanilang paghihiwalay matangi sa pangyayaring magkaibigan pa rin sila’t hindi magkaaway. Marami pa silang mga trabaho na nakatakdang pagsamahan, ang nobyo niya bilang producer at siya kundi man artista sa mga proyekto nito ay bilang bahagi ng creative team.

Tulad ng Camp Sawi na kung saan ay dalawa silang ma-ex ang nag-isip ng istorya. Open pa rin naman daw si Bela sa pagsuporta sa dating dyowa. Mabibiyayaan nga ni Bela si Neil ng kanyang kaalaman sa paggawa ng istorya at pagsusulat ng script.

Isinisingit niya ang pag-aaral ng scriptwriting kay Ricky Lee sa pagitan ng kanyang mga shooting at taping. Kasalukuyan niyang ginagawa ang pelikulang Luck At First Sight katambal ni Jericho Rosales. Magsisimula na ring mapanood sa ABS-CBN ang My Dear Heart na kung saan ay gumaganap siya bilang ina ng pinakabagong child performer na si Nayomi Ramos.

Kung sina Bela at Zanjoe Marudo ay magpapaiyak ng manonood ng serye dahil sa napaka-lungkot na journey ng kanilang anak na may karamdaman sa puso, si Coney Reyes naman ang kagagalitan ng manonood dahilan sa kagustuhan nito na magamot si Heart bilang karagdagang tagumpay sa pagiging pangunahin niyang heart surgeon ng bansa.

Sa halip, magsisilbi si Heart na pinakamalaking dagok  sa kahusayan ng character niyang si Dra. Margaret Divinagracia.  Isa na naman itong kontrabida role para sa aktres.

Sarah pinaghahanda sa romansa ni Matteo sa ex

Dalawa sa mga senior star na kasama sa indie film na The Crescent Moon ay sina Christopher de Leon at Dina Bonnevie. Si Boyet ay hangang-hanga sa dedikasyon ng bidang si Matteo Guidicelli na kahit sa kasagsagan ng pagkakasakit at napakataas ng lagnat nito ay hindi tumigil sa pagso-shooting. Maski rin sa maaksyong eksena nito ay hindi ito gumamit ng double.

Hanga naman si Dina na sa kabila ng pagkakaroon ng magandang buhay nina Matteo at Alex Godinez, ang ex ni Matteo na katambal niya sa movie ay pumayag silang gumawa ng indie movie.

Hirap sa Tagalog si Alex na mayroon nang Best Actress award para sa isang stage play na ginawa niya mula sa Broadway World Philippines pero, mabilis nitong natutunan hindi lamang ang pagsasalita ng Tagalog kundi maging ng lenggwahe ng mga Tausog na gamit din sa pelikula.

May love scenes sina Matteo at Alex na sinasabing pagseselosan ng labis ng girlfriend ni Matteo na si Sa­rah Geronimo. Ito ang dapat paka­abangan ng mga manonood.

MMFF entries last year, susugalan sa abroad

Malaki naman ang pananalig ng umupong chairman ng Metro Manila Film Festival 2016 na si Chair Tim Orbos na magbubunga ng maganda ang ginawa nilang sugal sa katatapos na filmfest na kung saan ay mas binigyan nila ng halaga ang kalidad ng pinili nilang walong pelikula kesa sa commercial viability ng mga ito.

Para mabuo ang inaasahan nilang malaking kita mula sa walong entry, hahanapan nila ng paraan para maipalabas ang mga pelikula sa abroad o maski na sa mga cable channels.

TIMY ending naging generous

Napakaganda ng ending ng Till I Met You hindi lamang para sa tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre kundi sa buong cast ng serye. Nagkaro’n ng masayang ending ang mga characters nina Zoren Legaspi at Angel Aquino, Pokwang, Angel at Carmina Villarroel at Robert Seña, JC Santos at Enzo Pineda.

Naging generous ang production sa lahat ng characters ng serye na ikinasiya ng mga manonood ng TIMY.

Bruno hindi namamalayan ang pagiging masama

Magaling nga siguro ang anak ni Lani Lobangco at pamangkin ni Rachel Lobangco na si Bruno Gabriel dahil kababalik lamang niya sa seryeng Hahamakin Ang Lahat ng GMA ay kinaiinisan ko na siya.

Without too much effort, magiging most hated siya sa mga palabas ng Kapuso. Bagay sila ni Thea Tolentino sa pagsira ng relasyon nina Rachel (Joyce Ching) at Junior (Kristoffer Martin).

Pero isang pag-amin ang ibinahagi sa amin ni Bruno tungkol sa kanyang role. Ayon sa kanya, nag-e-enjoy siya sa pagpapahirap sa dalawa.

“I consider role as my art, my blank canvass. I enjoy creating the character. I enjoy na pahirapan sila. Ako ang lagi kong nasa isip since kontrabida ako dito, lagi ko iniisip: ‘how can I ruin this family’s life?’ and ‘how can I get what I want?’ kasi di ba pag kontrabida ka, hindi mo naman alam na masama ka e. Kasi may sarili ka namang story e,” sabi ng binata.

BELA PADILLA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with