Coney kinontra ang panliligaw ni Vico kay Maine
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2017 - 12:22am

Personal na pi­na­bulaanan ng veteran actress na si Coney Reyes ang lumalabas na balita na nanliligaw umano ang kanyang bunsong anak na si Vico Sotto sa phenomenal na ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza. Kasi kung ito’y totoo, tiyak na malalaman daw niya.

Sa presscon ng bagong magsisimulang serye ng Kapamilya Network na My Dear Heart na pinagsasamahan nina Coney, Zanjoe Marudo, Bella Padilla at ang bagong child star na si Nayomi Roxas, inamin ni Coney na ang fans lang daw ang nagli-link sa kanyang bunso at kay Maine pero hindi umano ito totoo. Sa ngayon daw ay naka-focus si Vico sa kanyang pagiging first time councilor ng 1st district ng Pasig City at marami pa itong gustong gawin at ma-achieve.

While Coney is praying and hoping na makaka­tagpo rin balang araw si Vico ng kanyang magiging kasintahan and eventually magiging wife, gusto ng aktres na sana’y makahanap ito ng God-fearing person at mapagmahal sa pamilya.

Bukod kay Vico na anak niya sa veteran TV host-comedian-producer na si Vic Sotto, si Coney ay may dalawa pang mas nakakatandang anak sa yumao niyang cager husband na si Larry Mumar na sina L.A. at Carla Mumar.

Si Vico ay meron ding half-siblings sa father side, sina Danica, Oyo, at Paulina Sotto na pare-pareho nang may asawa. Si Vico na lamang sa mga anak ni Bossing Vic Sotto ang wala pang asawa.

Ynez namula pa rin sa halik ni Mon, Niño ‘di na lumapit

Sa second night ng wake ng lady producer na si Donna Villa sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory at the Ascension (Araneta Avenue, QC) last Thursday night, hindi inaasahang magkikita-kita roon ang aktres na si Ynez Veneracion at dalawa sa kanyang ex-boyfriends na sina Niño Muhlach at Mon Confiado.

Kasama ni Niño na dumating sa wake ang bunsong anak na si Alonzo Muhlach habang mag-isa namang dumating si Mon. Kasama namang duma­ting ni Ynez ang kanyang mga kaibigang sina Sunshine Cruz at Garie Concepcion at non-showbiz friends.

Biniro namin si Mon kung kilala niya si Ynez at natawa itong lumapit sa aktres para bumeso. Kitang-kita namin ang pamumula ng pisngi ni Ynez nang biruin namin sila ni Mon na nakarelasyon niya sa loob ng 16 years na kung nagkaanak ang dalawa ay may tinedyer na sila.

Binata pa rin hanggang ngayon si Mon habang si Ynez ay mayroong isang five-year-old daughter sa isang Muslim politician from the South.

Ayon kay Ynez, hanggang ngayon ay nananatili umano ang pagiging magkaibigan nila ni Mon na close sa kanyang anak. “There are even times na hinihiram niya (Mon) ang anak ko,” pahayag ni Ynez na alaskado sa amin ni Sunshine Cruz.

Pinabeso naman ni Niño Muhlach and child star niyang anak na si Alonzo kay Ynez.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with