Lani at Greta nag-isnaban sa Governor’s Ball!, Awra imbyerna sa mga nanlalait kay Maxine!

PIK: Isa si McNeal “Awra” Briguela sa mga sumusubaybay ng Miss Universe 2016 na gustung-gustong makapanood ng coronation night.

Sabi ng bagets, isa lang daw ang itsi-cheer niya, ang pambato nating si Maxine Medina. Nasasak­tan nga raw siya sa mga natatanggap pa ring panlalait kay Maxine at sinasabi ng ilang hindi ito magwawagi. “Sobra pong nasasaktan ako kasi Pilipino po sila, Pilipino po tayong lahat, dapat po suportahan natin ang kandidata natin. Bakit kailangan pa natin siyang i-bash eh parehas naman po tayong dapat natin siyang suportahan. Saka para sa Pilipinas din naman ‘yun eh,” saad ni Awra.

PAK: Hindi masagot ni Julie Anne San Jose kung si Benjamin Alves ba ang magiging first boyfriend niya kung sakali. Hindi pa rin sila umaamin dahil ang sabi ni Benjamin, nasa ligawan stage pa rin daw sila. Pero hindi na raw siya nakikipag-date sa iba dahil kay Julie Anne na siya committed.

Hindi pa naman daw nagmamadali si Julie Anne na magka-boyfriend na agad. “We’re not really rushing anything naman po eh. Okay naman po si Ben sa family ko, okay naman po siya,” pakli ng Kapuso young actress.

Naipakilala na raw ni Julie Anne si Benjamin sa pamilya niya at ang susunod naman ay ipakikilala ni Benjamin si Julie Anne sa kanyang pamilya sa Guam. Pero nandun daw ang commitment nila. Halos araw-araw silang nagti-taping sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa at siguro naman bago ito matapos ay aamin na sila sa relasyon. Sa January 30 na magsisimula itong bagong afternoon drama nila kasama nila sina LJ Reyes, Martin del Rosario, Ara Mina, at Jean Garcia.

BOOM: As of presstime, wala pang sagot sa amin ang Bacoor Mayor Lani Mercado sa text namin kung nagkita sila ni Gretchen Barretto sa Governor’s Ball ng Miss Universe 2016 na ginanap sa SMX Convention Center ng SM MOA kamakailan lang.

May mga post kasi si Gretchen sa event kasama ang partner niyang si Tonyboy Cojuangco, pero wala siyang kuha kasama si Lani at pati si Dawn Zulueta na naroon din. Si Dawn ay nag-post naman ng kuha nila ni Lani kasama ang mag-asawang Cong. Strike Revilla at Chaye Cabal pero wala rin si Gretche­n. Nasa caption nito na nagsa-suggest na mag-reunion silang mga hosts ng GMA Supershow sa ilalim ng namayapang Kuya Germs Moreno. Itinag ni
Dawn sa ilan pa nilang co-hosts na sina
Jackie Lou Blanco, Maricel Laxa, Arlene Muhlach, at Rachel Anne Wolfe, pero waley si La Greta.

Dedmahan kaya sila roon o hindi lang talaga nagtagpo dahil sa laki ng venue?

Show comments