Dennis at Andi, nakatikim ng first time sa FAMAS!

Dennis Trillo at Andi Eigenmann

Big winner sa 64th FAMAS Awards ang pelikulang Felix Manalo na nagwaging Best Picture. Ang bida ng pelikula, na ginampanan ang buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Ka Felix Manalo, si Dennis Trillo ang nanalong Best Actor. Best Director si Joel Lamangan para pa rin sa nasabing pelikula.

Bukod sa tatlong major awards, nakuha rin nila ang Best Screenplay Award at Best Theme Song Award - Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw – na kinanta ni Sarah Geronimo.

Si Andi Eigenmann ang idineklarang Best Actress  sa kanyang portrayal sa pelikulang Angela Markado na idinirek ni Carlo Caparas. Rape victim na natutong lumaban ang ginampanang character ni Andi sa Angela Merkado.

Ito ang unang FAMAS trophy ni Dennis.

Si Direk Joel naman ay hindi na mabilang ang natanggap na award at si Andi ay first time rin.

Dalawa ang nominasyon ni Andi sa Best Actress category, isa nga sa napanalunan niyang pelikula at ang isa ay para sa pelikulang Tragic Theater.

Kaya naman, mahaba ang litanya ng pasasalamat ni Andi sa kanyang I­nstagram account kahapon bukod pa sa iyak siya nang iyak nang tanggapin ang award. “Masaya na talaga akong maging nominado para sa dalawa sa a­king pelikula para sa iisang kategorya. Masaya na rin akong makikain ng sushi sa holding area kagabi. Akala ko’y hanggang panaginip nalang ang parangal na ito kaya nama’y lubos ang aking pasasalamat! Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng FAMAS sa karangalang ito. SALAMAT sir Carlo J, Miss Donna, sa pagkakataon at tiwala para gampanan si Angela Markado. Maraming salamat sa VIVA Films, kay Boss Vic, sa @vivaartistsagency, sa napakaseksi kong manager at handler na si @veroniquecorpus at@kyraquilinguen, sa oportunidad at sa suporta ninyong walang kupas ano man ang mangyari! Maraming salamat sa aking nanay at tatay, dahil ito ay nang dahil sa inyo! Ang parangal na ito ay para sa aking pinakamamahal na Nanay, at sa lahat ng kababaihan, lalo na sa mga nakaranas ng kahit anong klase ng pangaabuso. Hindi natin kailangang hayaan ang iba na maliitin at tapakan ang ating pagkatao. Sana ay magsilbi itong inspirasyong nagpapatunay na ilang beses man tayong madapa, basta’t wag magsawang maniwala, at laging piliing lumabas na mas mabuting tao sa kabila ng lahat, hinding hindi tayo kakalimutang biyayaan ng Diyos. Sana, kagaya ko, wag kayong magsawang maniwala na parating may liwanag sa likod ng kahit anong dilim. Dahil napakatamis ng pakiramdam na marating ito. Idol, Sir Robin Padilla, congrats po sa natanggap niyong FPJ Memorial Award kagabi. Gusto ko lang ho sanang ipahabol na hindi lang po mga ginoo ang nangangarap ipagpatuloy ang pamana ng ating Hari sa aksyon, may mga babae rin hong katulad ko.hehe! 
HIGIT SA LAHAT, para ito sa aking inspirasyon na si Ellie, at sa pamamagitan ng aking tagumpay, ito ay tandaan mo. Kahit anong taas ang a­ting marating, lagi nating iwang nakatapak sa lupa ang ating mga paa. Simple lang ang aking regalo, pero sana’y manatili ito sa puso mo. Dahil ang pinakamalaking tagumpay para sa akin ay ang makita kang tumanda ng may pagmamahal, respeto at pagmamalasakit sa LAHAT. Mapatao man, hayop, o ang kalikasan.”

Karel at Erich inurot-urot sa social media

Karel Marquez, Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

In all fairness, lahat na lang big deal sa social media.

‘Yung kasal ni Karel Marquez sa negosyanteng si Sean Fa­riñas ginawang big issue ang pagreregalo ng singer/actress ng BMW sa kanyang napangasawa.

Kaya naman nagpaliwanag si Karel na second hand ang nasabing kotse at pinagtrabahuhan niya ‘yun at higit sa lahat hindi raw number 8 ang plate number nito.

Sinasabi ng netizens na bakit kailangan niyang magregalo sa napangasawa ng halagang P4 million.

In the first place, personal naman niyang regalo ‘yun at pinagpaguran kaya parang wala namang puwedeng maghabol na sinuman sa gustong gawin ni Karel. Naka-display kasi sa social media ang nasabing kotse with matching ribbon na red.

Isa pang naging issue sa social media ang naging paliwanag ni Erich Gonzales sa isang fan na nag-post na inisnab daw siya ng Kapamilya actress sa Times Square sa New York. Kung maka-insulto naman kasi ang fan. Say niya, gusto sana n­iyang magpa-picture kay Erich pero isnabera nga. Eh ang hindi raw alam ng actress, kay Daniel Matsunaga nila gustong magpa-picture at si Erich lang sana ang uutusan nilang kumuha. ‘Di ba urutera ang fan?

Nagpaliwanag si Erich na posted sa kanyang Twitter account.

Kasalukuyang nasa New York ang mag-dyowa kasama ang pamilya ni Da­niel.

“I was looking around and saw you smiling at me... I smiled at you and I even said hi.

“Then they called me to join the family picture. I was rushing because the baby might be cold and get sick because it was raining,” sabi ni Erich.

“Also, you didn’t ask me for a photo. How will I know [you wanted one]? I don’t mind taking photos at all. No problem.

“I don’t know what’s the purpose of your tweet and your cousins’s tweets. And the Instagram post as well.

“God knows my conscience is clear and I didn’t do anything wrong to you...”

Maliwanag na gusto lang inisin si Erich.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

Show comments