‘Ang Hinagpis ng Isang Ina’

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang nakakaantig na kuwento ng isang ina, na si Lorelei Go, kung paano mawalan ng dalawang anak dahil sa sakit.

Noong ma-diagnose na may Stage 4 Liver cancer si Rowden, masakit sa pamilya niya ang maaga niyang pagpanaw lalo na’t may naiwan siyang anak at asawa.

Di pa man nakaka-recover si Lorelei sa pagkamatay ni Rowden, na-diagnose naman si Hasset ng Stage 3 Liver cancer habang nasa  peak ng kanyang career bilang Chef. Kasabay naman nito noong na-diagnose si Hisham ng Liver Cirrhosis.

Isang taon lang ang lumipas ay pumanaw na si Chef Hasset. Ngayon ay patuloy na lumalaban sa sakit si Hisham.

Sa sunod-sunod na pagsubok ni Lorelei, saan pa nga ba siya kukuha ng lakas?

Tunghayan ang pambihirang kuwento ng pamilya na gagampanan nina Glydel Mercado bilang Lorelei, Benjamin Alves bilang Hasset, Jeric Gonzales bilang Hisham at RJ Padilla bilang Rowden.

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

Show comments