Insecure pa aktor na may ka-loveteam, laging nag-uuwi ng mga tirang pagkain!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2016 - 12:00am

Kapal pala ng mukha ng isang actor na may ka-loveteam.

Imagine, nag-uuwi pala ito ng mga tirang pagkain sa mga pinupuntahan niyang party na karaniwang fans ang organizer.

Kuwento ng isang member ng fans club ng magka-loveteam, hindi raw lumalayas ang actor na ito na walang bitbit na tirang pagkain para iuwi sa kanyang kasama sa bahay na nanay at lola.

Binibigyan na raw nito ng i­nstruction ang kanyang handler at personal assistant na mag-uuwi sila ng mga pagkain. In all fairness, hindi naman daw nagagalit ang mga organizer dahil faney nga na ang karamihan ay mga misis at kilig na kilig sa actor na hindi mo talaga aakalain na nagkukuripot pala at mahilig mag-take home.

Kasi kahit paano naman ay sumikat siya sa tulong ng kanyang ka-loveteam na actress na naging girlfriend niya though ngayon ay ‘buwag’ na ang loveteam nila.

Ang pino-project niya ring image ay mayaman sila at kung magsalita si actor ha, parang ang galing-galing.

Pero kabaliktaran pala sa tunay nitong ugali.

Bukod sa nag-uuwi ito ng mga tirang pagkain, sobrang insecure rin pala ito sa GF na ka-loveteam dagdag pa ng source na fan din ng actor dati.

‘Pag nakita raw nito na may nagbigay sa ka-loveteam na GF ng pagkain or any gift galing sa fans, agad itong lalapit at uususyuhin kung ano ‘yun. As in ipaparamdam niya na parang ‘bakit wala ako.’ Eh si actress na ka-loveteam and GF, naaawa naman daw so sini-share na. Pero ‘pag ang actor lang daw ang binigyan ng gift ng fans, hindi man lang niya ‘yun mai-share sa GF na actress. “Ganyan siya kasama ng ugali. Ano bang tawag sa ganun, teka! Alam ko na, gahaman siya, makasarili,” tsika ng kausap ko kahapon.

Unti-unti na raw nabubuko ang totoong ugali ng actor na ito kaya naman tinatabangan na ang fans sa kanya. Kaya ‘wag daw magtaka kung isa sa mga araw na ito, tulu´­yan nang maglaho ang career ni actor dahil sa kasamaan ng ugali.

 

Anne Curtis

Anne pakakasal na, Kim papasok sa Showtime?!

Tuloy na raw sa pagiging regular host ni Kim Chiu sa It’s Showtime.

Ayon sa source, inaayos lang ang schedule ng Kapamilya young actress at regular na itong mapapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

May ibang nag-a-analyze na baka nga iiwan na ni Anne Curtis ang programa at magpapakasal na rin sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff. Nauna na kasing nagpakasal ang mga bestfriends niyang sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson, and Isabelle Daza.

Susunod na nga ba si Anne? So kung matutuloy si Kim sa It’s Showtime, masasabay ito sa Ikaw Lang Ang Iibigin, ang balik-tambalan na serye nila ni Gerald Anderson na inaabangan na ng fans nila.

Meron pa siyang The Voice Kids na muling eere with Luis Manzano and Billy Crawford.

Kim Chiu

So buwag na talaga ang loveteam nila ni Xian Lim? Wala pang nababalita kung ano’ng next project ni Xian habang si Kim ay mukhang diretso ang bonggang career.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with