_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga ahensyang umaasa sa kita ng MMFF, nganga na?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakakalito ang halos magkasabay na announce­ment ng Cinema One Originals Festival na kasalukuyang ginaganap at tatakbo hanggang Nob. 13 at ang pag-aanunsyo ng napiling walong kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 na mistulang indie filmfest dahil ang walong pelikula ay pa­wang mga indie. Yes, hindi bale sana kung hindi nakaabot ang mga pelikula nina Vic Sotto, Vice Gan­da, Coco Martin, Vhong Navarro, Richard Yap, pero pasok naman sila sa deadline, nabulilyaso lamang.

Mabuti na lang at mayroong Nora Aunor, Euge­ne Domingo, JC de Vera, Rhian Ramos, at Julia Barretto, kundi walang pamilyar na pangalan o mukha ang mapapanood sa mga sinehan, at hahabul-habulin sa Parade of Stars. Baka nga sa mga coverage sa TV na lamang nila sundan ang mga kaganapan sa MMFF.

Nakakakaba dahil baka hindi maabot ang inaasahan ng MMFF na mahigit na P2-B kita. Paano na ang mga ahensya na umaasa lamang sa kita ng MMFF?

Joshua Garcia nakikilala na

Kung nakuha ni Joshua Garcia ang atensyon ng manonood sa Barcelona: A Love Untold kahit pa hawak ng KathNiel ang pelikula at sa kabila ng inaabangang kissing scene nila ay umarangkada rin ang ka­bataang aktor lalo na sa isang eksena nila ni Aiko Melendez.

Mapupuring muli ang akting ng produkto ng Pinoy Big Brother at sinimulang gawing ka-loveteam ni Loisa Andalio na kasama­han din niya sa PBB, pero marahil ay may ibang kapalaran na itina­dhana para kay Joshua na tampok sa Vince and Kath and James kasama sina Ronnie Alonte at Julia Barretto. Kahit hindi nila siya knows, pawang papuri ang ibinigay kay Joshua ng mga nag-screen ng pelikula nila para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Daniel at Erich walang plano sa kasal

Clueless pa si Daniel Matsunaga sa magiging wedding nila ni Erich Gonzales in real life. Curiuos ang lahat ng sumusubaybay sa matagumpay na romansa ng dalawa na naihatid pa sa telebisyon. 

“She hasn’t given me a direct answer kapag napag-uusapan namin ang wedding namin lalo na after na magkaroon kami ng wedding on TV. I understand her, we’re still preparing for that big day, not just the wedding but our life that will come after the wedding. I don’t know, perhaps, she’d like a wedding in the church or in a garden or a beach, wala pa kaming napag-uusapan,” anang Bra­panese hunk na matapos ang Be My Lady ay magpapahi­nga lamang su­mandali at pagkatapos ay ha­harap na naman sa isang bagong trabaho na magka­sama na naman silang dalawa. Ito ay sa isang movie naman.

Obvious na masaya ang dalawa sa kanilang re­lasyon, pero ipinagkakatiwala nila sa kapalaran kung kailan magaganap ang totoo nilang kasalan.

Natanggal sa PBS na si Henz may iaambag

Minsan, kahit hindi gaano kagaling kumanta basta nakakakanta naman ay makikita na kung ano ang magiging ambag ng bawat miyembro na mabubuo para sa Pinoy Boyband Superstar. Pinipili ito nina Aga Muhlach, Yeng Constantino, Sandara Park, at Vice Ganda.

Alalahanin nila na hindi ang mga kaedad nila ang susuporta sa bagong grupo kundi mga batang henerasyon din na kaedad ng mga miyembro ng mabubuong boyband.

‘Yung naitsapwera at natanggal nu’ng Linggo na si Henz Villaraiz would have contributed a lot to the group. Bukod sa guwapo at may porma, kumakanta rin naman ito. Kung hindi ito natanggal, baka bago matapos ang pakontes ay magaling na magaling na rin itong kumanta. Magiging malaking asset siya sa mabubuong grupo.

I’m sure gusto rin siya ni Aga.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with