_ngayon
^
Jona ang daming first time sa Kapamilya
Jona

Jona ang daming first time sa Kapamilya

BIRADOR - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2016 - 12:00am

Pumirma ng 2-year contract si Jonalyn Viray o Jona sa Star Music noong Lunes. Masayang-masaya ang singer dahil maraming mga bagay ang kanyang nararanasan mula nang lumipat sa ABS-CBN ilang buwan na ang nakalilipas.“I’m very happy and na-feel ko talaga na mas inspired ako to do my work here in ABS-CBN. Ang dami kong first time na nagawa since I transferred sa ABS-CBN. Nag-cover ako ng theme song (ng teleserye). First time sa ASAP stage, first TFC with Ma’am Charo Santos-Concio in Spain. First time rin, Star Cinema theme song for Kathryn (Bernardo) at Daniel (Padilla) movie. First time nakasama sa ASAP Live in New York,” pagbabahagi ni Jona. 

Ngayon ay pinaghahandaan na ng singer ang kanyang concert na may titulong Queen of the Night: Jona na gaganapin sa November 25 sa KIA Theater. “Siyempre ang iti-treat ko ay ‘yung fans ko talaga na hindi bumitaw na nandito pa rin sila,” giit ni Jona. 

Magiging special guests ng dalaga sa nasabing concert sina Daryl Ong, Jed Madela, at Regine Velasquez. 

Isang bagong album din ang nakatakdang i-release ng singer sa mga darating na araw.

Bea at Ian kilig-kiligan sa Germany 

Kasalukuyang nasa Germany ngayon sina Bea Alonzo at Ian Veneracion para sa taping ng teleseryeng A Love To Last na pinagbibidahan ng dalawa. 

Nakatakdang ipalabas sa susunod na taon ang bagong proyekto kung saan kabilang din sina Iza Calzado, Enchong Dee, at Julia Barretto. “Ako, nag-e-enjoy naman ako. Excited ako na gawin ‘yung mga eksena namin kasi habang binabasa ko pa lang, nakakakilig na. Nagagandahan ako, so sana ma-execute din namin nang maayos,” bungad ni Bea. 

“Sobrang solid ng istorya, solid ‘yung concept. Marami kayong bagong makikita na naman sa show na ito. Excited kaming gawin at ipakita sa mga tao,” dagdag naman ni Ian. 

Ayon sa dalawang bida ay talagang masarap katrabaho ang lahat ng kanilang kasama sa bagong soap opera. “Hindi ko pa nakakaeksena si Iza, ang nakakaeksena ko pa lang madalas, si Enchong and si Mr. Ian Veneracion. Sina Julia Barretto, hindi pa, so excited ako makaeksena sila. Si Enchong, we are very close. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ‘yun. So mas nag-i-enjoy ako sa taping kasama ko ‘yung isa sa mga close na tao sa akin,”pagdedetalye ni Bea. 

“We are very comfortable with each other. Sandali pa lang kami (nagkakatrabaho), pero pamilya na agad ‘yung team,” pagtatapos ni Ian.

JONALYN VIRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with