Manay Lolit hindi nagpatalbog, nag-donate ng 30K sa pinagagawang simbahan ni AiAi
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2016 - 12:00am

Alam mo, Salve A., hindi talaga nagpatalbog si Manay Lolit Solis kay Kris Aquino sa pagbibigay ng donas­yon sa tinutulungan at ipinapagawang simbahan na Kristong Hari Church sa may Commonwealth Avenue in Quezon City ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas dahil nagbigay ito ng P30,000 na donasyon.

Pero sinabi ni Manay Lolit na hindi lamang dapat P50,000 ang ginawang donasyon ng tina­guriang Queen of All Media na si Kris para sa simbahan dahil sa kanyang estado.

“Kris Aquino siya, noh?” angal ni Manay Lolit.

Isa si Manay Lolit sa maagang dumating sa pagtanggap ni AiAi ng Papal award na itinaon mismo sa kanyang ika-52 birthday noong November 11, alas-3:00 ng hapon na ginanap sa Cathedral of the Good Shepherd sa Novaliches, Quezon City sa pamamagitan ng isang special thanksgiving mass na pinangunahan ni Bishop Antonio Tobias.

Pinasalamatan ni AiAi sina Kris at Manay Lolit sa kanilang donas­yon na malaki ang maitutulong sa pagpapagawa ng Kristong Hari Church.

Patuloy na kumakatok si AiAi ng tulong sa mga taga-labas at maging sa kanyang mga kasamahan sa industriya para mas mapabilis ang pagpapatayo ng simbahan.

For sure, nag-donate din ang megastar na si Sharon Cuneta, na sinabi ni AiAi na BFF niyang totoo.  Isa rin si Mega sa mga dumalo para suportahan ang pagtanggap ni AiAi ng Papal award.  Sina Mega at Alden Richards ay kasama sa lumahok sa Offertory pero hindi na tinapos ni Alden ang misa dahil may iba pa itong commitment.

Bailey at Ylona mainit na tinanggap sa Bench

Bukod sa bagong love team na sina Elisse Joson at McCoy de Leon, may isa pang bagong love team na gumagawa ng ingay ngayon, ang ex-PBB housemates na sina Bailey May at Ylona Garcia.

Sina Bailey at Ylona ang pinakabagong teen models ng Bench na ipinakilala sa publiko last Sunday (Nov. 13) afternoon sa Activity Center ng Market! Market!.

Sa totoo lang, Salve A., hindi namin alam na mainit na pala ang tambalan nina Bailey at Ylona until nakita namin ang response at reaction ng fans sa loob ng Market! Market activity center nang ipakilala at rumampa ang dalawa sa pamamagitan ng isang fashion show. Ito rin ang naging barometro para kunin silang teen celebrity endorsers ng pangunahing clothing brand ng bansa, ang Bench ni G. Ben Chan.

Marion Aunor sa lola nagmana!

Saludo kami sa dating Apat na Sikat star-turned successful businesswoman na si Maribel “Lala” Aunor dahil kahit matagal na itong hiwalay sa kanyang ex-husband, mag-isa niyang iginapang ang dalawa niyang anak na sina Marion at Ashley na parehong inclined sa musika na minana nila hindi lamang sa kanilang ina kundi pati na rin sa kanilang yumaong lola na si Mamay Belen na isang mahusay na mang-aawit at gitarista noong ito’y nabubuhay pa.

 “Kay Mama minana ng mga anak ko ang ta­lent nila sa musika more than me dahil hindi naman ako natutong mag-compose at wala rin akong hinawakang instrumento noon,” ani Lala.

Bukod sa pagiging singer at recording artist ng Star Music, si Marion ay nakapag-compose na ng mga songs for other stars and artists at kasama na rito sina Megastar Sharon Cuneta, Katryn Bernardo, Alex Gonzaga at iba pa.

MANAY LOLIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with