Sikat na aktres sa turo-turo pinapakain ang mga anak!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2016 - 12:00am

Kung ano talaga ang kinagisnan ay ‘yun na rin ang dadalhin ng tao sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagpapamilya. Ganu’n ang nangyari sa isang pamosong aktres.

Lumaki siya sa isang kapaligirang hindi kagandahan. Ang mali ay nagiging tama, ang nararapat ay hindi niya natikman, kaya hanggang nang magkaroon na siya ng pamilya ay ganu’n na rin ang kanyang pinaiiral.

Lumaki siyang bumibili lang ng mga lutong pagkain ang kanyang mga magulang, hindi sila nagluluto sa bahay kahit puwede naman, kaya sarap na sarap ang aktres sa mga pagkaing niluluto ng mga magulang ng kanyang mga kasamahang artista.

Lumaki siya, nakipagrelasyon, nagbuo ng pamilya. Dahil ganu’n nga ang kanyang kinagisnan ay ‘yun na rin ang ginagawa ng aktres, bumibili lang sila ng mga lutong pagkain ng kanyang mister at mga anak, samantalang puwede naman silang kumuha ng kasambahay na gagawa nu’n para sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Nagkahiwalay na sila ng mister niya, di ba? May iba na rin siyang nakarelasyon mula nu’ng maghiwalay sila. Nagbago na ang kare­l­asyon niya, pero ang pagbili ng mga lutong food sa kung saan-saan, e, bitbit pa rin niya.

“Sa subdivision na tinitirhan nilang mag-iina, e, kilalang-kilala sila sa ganu’n. Nagpapa-deliver lang sila ng food, nagpapabili sa mga karinderya, hindi sila nagluluto ng food nila sa bahay.

“Kung minsan nga, e, nakikita pa siyang kumakain sa turo-turo na kasama ang mga anak niya. Maraming nagugulat, anyare nga naman, bakit ganu’n?

“Hindi nga kasi alam ng mga taong ‘yun ang kuwento na lumaki sa ganu’n sistema ang girl. So, akala niya, e, ‘yun ang tama. Puwede naman silang kumain ng lutong-bahay, pero bumibili lang sila, dahil sa ganu’n nga lumaki si ____(panga­lan ng popular na aktres).

“E, talaga hihiwalayan nga siya ng kahit sinong makarelasyon niya kung ganyan nang ganyan ang ginagawa niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Bibig pa lang taob na Maine wala naman daw talagang binatbat kay Liza

Matindi ang pagpapatutsadahan ngayon ng mga tagasuporta nina Liza Soberano at Maine Mendoza. Ewan naman kung bakit ang lalakas ng loob ng mga fans ni Aling Menggay na ikumpara ang kagandahan ng young actress sa kanilang idolo.

Insekurida siguro ang mga ito dahil kahit saan ay si Liza ang pinupuri ng mga netizens sa nakaraang Star Magic Ball. Puro si Liza, si Liza, si Liza.

E, paano na nga naman ang kanilang idolo na sa kanilang paningin ay reyna ng kagandahan? Natural, pinintas-pintasan nila ang young actress at ikinumpara pa sa kanilang idolo, kaya nagwala ang mga tagahanga ng pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz.

‘Yun na! Pintasang umaatikabo na ang naganap, ipinagtanggol si Liza ng kanyang kampo, hanggang sa ikumpara na ng tropa ang bibig ni Menggay sa isang inodoro.

Napakalaki raw ng bibig ni Maine, bunganga raw ang dapat itawag du’n, dahil kapag nagsasalita ang ka-loveteam ni Alden Richards ay parang nagbabanta itong higupin at kainin ang kanyang kaharap.

Nakakaloka ang paglalarawan nila sa bibig ni Maine, meron pang nagsabing parang kuweba raw ang laki nu’n, kaya nakakatakot makatabi ang dalaga dahil baka bigla ka na lang mawala.

Kasi naman, bulabugin ba ng kuta ng mga langgam na nananahimik, di ‘yan ang kanilang napala! Ikumpara ba naman kasi ang kagandahan ni Liza Soberano sa kanilang idolo, di humaba nang humaba ang kuwento, nakatikim tuloy nang bonggang-bonggang pamimintas ang mga alaga ni Aling Menggay!

Sa totoo lang, pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz si Liza Soberano, walang pinipiling anggulo ang young actress na katangian ng isang tunay na maganda.

Tuldok.

LIZA SOBERANO AT MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with