Walang kinatatakutan, James handang magpa-drug test!, James ayaw kunan ng nude si Nadine

James Reid

Willing na willing magpa-drug test si James Reid. Ito ay bilang suporta sa drug campaign ni President Digong Duterte kung saan nagsimula kahapon ang randon drug testing sa mga celebrity. Ayon kay James committed siya para maging best role model lalo na nga’t marami siyang batang fans na sobra ang tili sa kanila ng on and off partner niyang si Nadine Lustre.

Pabor din siya sa sinasabing random inspection sa mga music festival at sa mga katulad nitong event. “Me I love going to music festivals, I love partying I guess I have nothing to be afraid of if I’m not doing anything wrong so why not?” sabi ni James kahapon sa launching niya bilang endorser ng Fujifilm Philippines.

Anyway, hindi kasama ni James si Nadine sa bago niyang endorsement. Ang rason, naunahan ng Sony ang Fujifilm sa pagkuha sa girlfriend ng actor kaya hiwalay sila ng i-endorsong camera.

Hay, imagine kung ganyan ka-guwapo ang photographer, baka lahat magpa-picture sa kanya.

So sino ang gusto niyang maging model kung magso-shoot siya  para sa portrait, figure at nude?

“Number one, I guess, my girlfriend, yes, Nadine!” Maging sa figure, ang girlfriend din ang choice niya.

Eh pagdating sa nude model, “My pet! Nude. Walang damit. My pet cat!,” sabay tawa niya.

Kung sabagay admitted naman ang actor na ang girlfriend naman niya ang pinakamaraming photos na nakunan niya na uploaded sa kanyang Instagram account. ‘Yun ay dahil sa madalas nilang pagta-travel. At ang favorite subject niya, pag natutulog ang girlfriend. “Sometimes under! It’s funny! Ha! Ha! Ha!” sa Ilalim ang anggulo ang ibig sabihin niya.

Pero sexy photos meron na ba? “I’ll try! Ha! Ha! Ha!” 

So saan ba siya mas magaling sa aktingan o photography?

Hindi naman daw siya photographer pero mahilig talaga siyang kumuha ng mga magagandang bagay.

Simula na sa Lunes ang pagbabalik-primetime nila ni Nadine sa ‘Til I Met You. Sila ang papalit sa Dolce Amore.

Marami na ang excited dahil sa Greece pa kinunan ang maraming eksena ng serye at doon niya nagamit nang husto ang camera na bitbit. Sobrang ganda raw ng lugar at gusto niyang bumalik doon para magbakasyon.

Show comments