Kaya tumiwalag sa relasyon, Angeline natakot sa planong kasal ni Erik

Erik at Angeline

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mahiwalay si Angeline Quinto sa isang non-showbiz guy. May pagkaseloso raw talaga ang lalaki kaya hindi sila nagtagal ni Angeline.

Pagkatapos nang hiwalayan ng dating magkasintahan ay si Erik Santos na ang naugnay sa dalaga. “After po no’n, si Erik po ‘yung medyo naging malapit sa akin. Siya po ang nagpaintindi sa akin na naging tanga ako sa pag-ibig. Ngayon po masaya naman ang puso ko. Wala lang po akong relationship ngayon pero masaya ako at sa dami ng work ko, siguro ngayon hindi ko na rin po naiisip ‘yon, na pumasok sa isang relasyon ngayon,” nakangiting pahayag ni Angeline.

Wala raw panghihinayang ang singer kahit na hindi sila naging opisyal na magkarelasyon ni Erik. “Si Erik po kasi, gusto na niyang mag-asawa. Kasi nga, ilang taon na siya. So ‘pag pinag-uusapan po namin ‘yun, very vocal naman ako sa kanya na gano’n. Sobrang saya po talaga, pero siguro hanggang doon lang,” giit ni Angeline.

Samantala, kahit kailan man ay hindi raw kinuwestiyon ng dalaga ang pagkalalaki ni Erik. “Never po, kahit marami akong naririnig, never. Kasi hindi naman siya gano’n sa akin. Wala akong nakitang kahit ano,” pagtatapos ng singer-actress.

Piolo hindi pinayagang mag-pastor

Masaya si Piolo Pascual para sa da­ting kasintahan na si KC Concepcion. Si Aly Borromeo ang karelasyon ngayon ng dalaga at nakikitang masaya ang magkasintahan sa kanilang mga larawan sa social media. “I’m happy for her. I always pray for her happiness. It’s good that there’s someone who is taking care of her and I’m just really, really happy for her,” bungad ni Piolo.

Ngayon ay maayos na raw ang pakikitungo nina KC at Piolo sa isa’t isa. Matatandaang naputol ang komunikasyon ng dalawa pagkatapos ng kontrobersyal nilang hiwalayan ilang taon na ang nakalilipas. “Yeah! We talked once, twice and we exchanged messages sa text. So we’re good,” giit ng aktor.

Samantala, kababalik pa lamang ni Piolo sa bansa mula sa United Kingdom kung saan siya nag-aral ng Christian Apologetics sa Oxford.

“Masarap maging estudyante ulit. You get to learn new things and you get to apply it in your life, ‘yung knowledge na nakukuha mo. Ang ganda kasi meron kang pwedeng magtanong and ang sarap mag-take down notes,” pagbabahagi ng aktor.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ng aktor na maging isang ganap na pastor. “I’ve always wanted to be a pastor. I guess it’s just that now, my calling is just be in show business. So I’m putting it aside because I guess pwede mo namang gamitin ‘yung influence mo sa field mo, and I was very clear when I became a Christian. I told the pastor, ‘I want to be a pastor.’ Sabi niya, ‘No, kailangan namin ng mga katulad mo sa showbiz.’ So mas mahirap ‘yung temptasyon pero sa awa ng Diyos, nandito pa rin tayo. Kasi bilang celebrity ako, mahirap maging pastor. Baka magkaroon ng conflict of interest pero okay naman ako,” paliwanag niya.

Show comments