Jessy tinalo sina Jennylyn at Nadine sa paseksihan!

Jessy Mendiola

Seen: Si Jessy Mendiola ang sexiest Pinay for 2016 ng isang men’s magazine. Tinalo ni Jessy sina Nadine Lustre at Jennylyn Mercado.

Scene: Blangko ang mga facial expression ni Elmo Magalona sa mga eksena niya sa Born For You. Kailangan ni Elmo ng acting workshop.

Seen: Dapat sumabay si Ayen Laurel sa acting workshop ni Elmo Magalona dahil nahihirapan siya na umarte sa kanyang mga crying scene sa Born For You.

Scene: Sina Cesar Montano, Freddie Aguilar at Arnell Ignacio ang mga entertainment personality na dumalo sa inauguration kahapon ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace.

Seen: Hindi agad nakilala si Cesar Montano dahil nagpatubo siya ng bigote at balbas para sa guesting niya sa Ang Probinsyano. Lumabas na kagabi ang karakter ni Cesar sa top rating te­leserye ni Coco Martin.

Scene: Ang thank you show kahapon nina Leah Navarro, Jim Paredes at Noel Cabangon sa Times Street, West Triangle, Quezon City para sa pag-uwi ni P-Noy sa tahanan nito, matapos ang anim na taon na paninirahan sa Malacañang Palace.

Seen: Ang Dukot na tinatampukan ni Enrique Gil ang makakatapat ng Imagine You & Me sa mga sinehan sa July 13. Ang Imagine You & Me ang 1st anniversary movie ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Scene: Pinararatangan na bitter si Keempee de Leon dahil sa ho­nest statement na hindi niya alam ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala bilang co-host ng Eat Bulaga.

Seen: Nakabalik na kahapon sa Pilipinas sina Amy Castillo at Jonalyn Viray. Stranded ng isang araw sa Izmir, Turkey sina Amy at Jonalyn dahil sa bomb blast sa international airport ng Istanbul noong Miyerkoles.

Show comments