Nadine 2014 pa pinapantasya si James

James

Ibang klase ang init ng tambalan ngayon ng real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre dahil hit lahat ang kanilang mga proyekto mula sa pelikula, TV series, concerts at maging ang kanilang kauna-unahang libro na Team Real na nagkaroon ng media launch kamakailan lamang at bumenta na ng mahigit 100,000 copies and counting. Isama pa diyan ang kabi-kabila nilang endorsements.

At kahit kababalik pa lamang ng young couple galing sa kanilang matagumpay na concert series sa Amerika at Canada, agad silang sumabak sa busy schedule at kasama na rito ang pagdalo sa mee­ting ng kanilang follow-up TV series  at paggawa ng bagong movie na co-production ng Star Cinema at Viva Films kasunod ang media lauching ng kanilang Team Real book published ng VRJ Publishing.

Tapos ay sumabak pa sila sa MTV Music Evolution na ginanap noong Biyernes ng gabi at saka lumipad para sa kanila concert naman sa Singapore.

“We are inspired to work because we’re always together,” pag-amin ni James na nagulat sa rebelasyon ni Nadine na noong 2014 pa pala ay may espesyal na siyang damdamin sa ka-loveteam na ngayon ay boyfriend na niya.

Tinanong kasi noon ni James ang ka-love­team kung naging crush siya nito bagay na pi­­­na­bulaanan ni Nadine kaya na-shock ang binata sa naging rebelasyon ni Nadine sa kanilang Team Real book.

Nadine was not a looker nung nagsimula silang ipareha ng Viva sa hit movie na Diary ng Panget. Since then, nag-evolve na ang young star at napalitan na ito ng kakaibang glow and confidence lalo na ngayong ins­pired siya sa pagmamahal ng kanyang nobyong si James.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

Sam hindi lume-level up ang karir

Naka-move on na kaya si Sam Concepcion sa break-up nila ni Jasmine Curtis-Smith na may bagong boyfriend na ngayon sa katauhan ng non-showbiz guy na si Jeff Ortega?

Naging tahimik lamang si Sam after the break-up at mukhang siya ang naapektuhan nang husto sa hiwalayan nila ng kanyang dating kasintahan.

Masasabi lamang siguro na nakapag-move on na ang singer-actor-dancer kung mapabalitang may bago itong dini-date.  Pero mukhang wala pa hanggang ngayon.

Speaking of Sam, marami ang nagtataka kung bakit hindi gaanong nakaka-take off ang kanyang career considering na nasa kanya ang qualities ng pagiging isang major star.

Bakit nga ba, Salve A.?

 

Show comments