Elmo proud kay Janine kahit si Janella ang kasama
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2016 - 12:00am

Mabuti pa si Elmo Magalona inamin na si Janine Gutierrez kahit nasa promo ng Born For You nila ni Janella Salvador ng Kapamilya Network. Sana hindi ito makaapekto sa unang pagtatambal nila ni Janella na kinunan pa sa Japan at gaga­wing pa­­malit sa The Story Of Us nina Kim Chiu at Xian Lim. Maganda ang magtatapos na serye na kinunan din sa Amerika at nagtatampok sa mga lokal nating artista na sa U.S. na naka-base.

Hindi naniniwala ang marami na makaaapekto ang pag-amin ni Elmo sa magiging tambalan nila ng apo ni Nora Aunor na wala namang inaaming karelasyon ngayon. Samantala patuloy ang magandang chemistry nina Aljur Abrenica at Janine sa Once Again.

Charo sinulit ang pagbalik sa aktingan

Isang Lav Diaz film ang magsisilbing comeback ni Charo Santos Concio sa pelikula. Ito ang Ang Babaeng Humayo na hindi batid ng marami ay madali niyang ginawa at natapos habang pinaghandaan ang 25th anniversary ng Maalaala Mo Kaya.

Kasama niya sa movie sina John Lloyd Cruz, Noni at Shamaine Buencamino at Michael de Mesa.

Katulad ng mga naunang movie ni Lav Diaz, mahaba rin ang Ang Babaeng Humayo. Apat na oras ang kinakailangan para matapos ang panonood dito. Isasali ito sa gaganaping Cinema One Film Festival.

BANAT INBOX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with