Anak inilagay sa alanganin Vina binuhay ang custody battle sa ex! Mariel napagkamalang Karaoke Girl sa Netherlands!
SEEN SCENE - Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2016 - 12:00am

SEEN: Hindi na dapat isinapubliko ni Vina Morales ang custody battle ng kanyang ex-boyfriend na si Cedric Lee sa kanilang 7-year-old daughter dahil inilagay lamang niya sa sentro ng kontrobersya ang inosenteng bata. Hindi pa nakakalimutan ng mga tao ang lantaran na pakikipagrelasyon noon ni Vina kay Cedric, kahit alam niya na legally married at may mga anak ang dating karelasyon.

SCENE: Bina-block na si Arnell Ignacio ng ilan sa kanyang mga social media friends dahil sa pagtatanggol niya kay President-elect Rodrigo Duterte. Pabibo si Arnell sa kanyang mga inaakusahan na biased defense kay Duterte.

SEEN: Ang look test kahapon ni Lovi Poe para sa The Escort, ang upcoming movie nila nina Derek Ramsay at Christopher de Leon.

SCENE: Hanggang banta at tsismis lang ang diumano’y video scandal ni Senator-elect Leila de Lima. Nag-deny na si de Lima sa entertainment press noong panahon ng kampanya ngunit hindi pa rin mamatay-matay ang isyu.

SEEN: Antonio ang isa sa mga magiging pangalan ng panganay nina Drew Arellano at Iya Villania bilang pagpupugay sa namatay na ama ni Drew, si Atty. Antonio G. Arellano aka Atty. Aga na isang kilalang radio commentator noong nabubuhay pa.

SCENE: Na-offend si Robin Padilla sa isang foreigner na tinawag si Mariel Rodriguez na “Karaoke Girl” pero pinairal niya ang mahabang pasensya. Nagbabakasyon sa The Netherlands sina Robin at Mariel.

SEEN: Interesado si Jessica Soho na mainterbyu para sa kanyang programa sa GMA 7 sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. tungkol sa kanilang anak na si Scarlet Snow.

SCENE: Lalong naengganyo ang JaDine fans na iboto si Nadine Lustre bilang Sexiest Woman sa Pilipinas dahil natuwa sila sa “Hoy” reaction ni James Reid na hindi makapaniwala na number one sa botohan ang kanyang girlfriend.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE GENERALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with