Second Chance nina Popoy at Basha nasa TV Plus!

MANILA, Philippines – Matutungyahan sa Kapamilya Box Office (KBO) ang nagpakilig at nagpaiyak sa buong sam­ba­ya­nan, ang pag-iibigan nina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo) ngayong weekend (May 28-29) sa ABS-CBN TVplus sa abot-kayang presyo na P30.

Muling matututukan kung paano nagsimula ang kwento nina Popoy at Basha sa One More Chance, ang 2007 hit Star Cinema film na bumihag sa mga puso ng mga Pilipino.

Tampok din sa KBO ang bagong kabanata ng pagmamahalan nina Popoy at Basha sa A Second Chance, kung saan makikita kung gaano katatag ang kanilang pag-iibigan sa kabila ng magkahalong tamis at pait na pinagdaanan.

Bukod rito, buong-buo ang weekend movie marathon ng buong pamilya sa rom-com movie na Bride for Rent nina Kim Chiu at Xian Lim at sa American supernatural horror movie na The Haunting of Molly Hartley.

May pagkakataon ring mag-catch-up sa mga nakaligtaang episodes ng Dolce Amore sa marathon na eere ngayong weekend sa KBO.

Para todo-todo ang bonding ngayong weekend, mag-load lamang ng P30 sa inyong ABS-CBNmobile prepaid  SIM at gamitin ito upang mag-register by texting KBO <SPACE> May28 <SPACE> TVplus box ID at i-send sa 2131.

Matatagpuan ang seven-character box ID sa Settings ng ABS-CBN TVplus box.  I-activate ang KBO sa 7th channel ng TVplus by pressing the SCAN button sa TVplus remote control. Para sa remote control na walang SCAN button, i-press lamang ang MAIL button. Makikita ang KBO artcard sa 7th channel pagkatapos mag-scan. 

Ang Kapamilya Box Office (KBO) ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdaragdag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinapalabas dito sa halagang P30. Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO. 

Para sa karagdagang impormasyon sa weekly mo­vie line-up, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com at i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook. Maari ring mag-text ng KBO <SPACE> HELP sa 23661 para sa mga katanungan.

Show comments