Pulido ang cinematography, Tatay Kong Sexy hindi naluma kahit dalawang taon nang tapos

Napanood ko na ang trailer ng Tatay Kong Sexy kaya alam ko na isang feel good ang co­ming soon movie ng Senator Jinggoy Estrada.

Love interest ni Papa Jinggoy sa pelikula si Maja Salvador pero wala silang mga romantic scene.

Maganda ang role ni Maja sa Tatay Kong Sexy kaya puwedeng-puwede niya na ipagmalaki ang pelikula ni Papa Jinggoy na ipalalabas sa mga sinehan sa June 1.

Hindi makakapag-promote ng Tatay Kong Sexy si Papa Jinggoy dahil naka-detain pa siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Ang mga co-star niya ang inaasahan na tutulong sa promo ng pelikula, sina Maja, Bayani Agbayani, Dominic Roque, Empress Schuck at Jolo Estrada.

Hindi naman inililihim na two years old na ang Tatay Kong Sexy pero nang mapanood ko ang trailer, parang bagong-bago ang pelikula dahil pulido ang cinematography.

Napanood na ni Papa Jinggoy ang kabuuan ng Tatay Kong Sexy bago siya na-detain sa Camp Crame kaya alam niya na maganda ang project at hindi nakakahiya na irekomenda sa moviegoers.

Sen. Jinggoy natural na natural ang akting

Imposible na magkaroon ng red carpet premiere ang Tatay Kong Sexy dahil hindi naman makakadalo si Papa Jinggoy.

Useless na magdaos ng premiere night kung wala ang lead actor.

Natural na natural ang acting ni Papa Jinggoy sa trailer ng Tatay Kong Sexy. May tsansa na magkaroon siya ng acting nomination sa susunod na taon mula sa mga award-giving body.

Anak nina Dra. Vicki at Hayden pinagkakaguluhan at pinag-uusapan

Naloka ako dahil puro tungkol kay Scarlet Snow Belo ang laman kahapon ng halos lahat ng mga entertainment section ng mga diyaryo.

Talagang pinag-uusapan ang cute na anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. Mula nang aminin ng dalawa na may anak sila, marami ang na-curious na makita si Scarlet at ang mga billboard nito para sa Belo Baby.

Hindi ako magtataka kung tumaas ang sales ng Belo Baby products dahil kay Scarlet na instant celebrity baby.

Baron inaming napuno sa mga estudyante

O ayan, mismong si Baron Geisler ang umamin na totoo at hindi social media experiment ang video ng pagwawala niya na ikinalat ng isang UP student.

“How I wish” ang sey ni Baron sa mga tanong kung true ba na social media experiment ang pinagpipistahan na video.

Inamin ni Baron na “pumitik” siya at plano niya na sampahan ng reklamo ang naglabas ng video dahil sa mga panglalait sa kanyang pagkatao. Hurt na hurt si Baron sa “beastmode” tag sa kanya ng UP filmmaker na source ng viral video.

James hindi ipinahinga ang sarili kahit may injury

Lalong minahal at nirespeto si James Reid ng JaDine fans dahil parang hindi siya nagkaroon ng minor accident sa Las Vegas nang umapir sila ni Nadine Lustre sa show nila sa San Diego, California.

May valid reason si James na magpahinga dahil sa kanyang knee injury pero dinedma niya ang discomfort na nararamdaman.

Ganadong-ganado na nag-perform si James kaya hindi mapatid ang palakpakan at tilian ng fans na nag-akala na hindi nila mapapanood nang personal ang hinahangaan na aktor.

Nagpapasalamat ang Pinoy fans sa Amerika dahil hindi sila binigo ni James.

Show comments