^

Nagparamdam na uli Kris hindi nakatiis sa eklay na signing off!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines - Hindi nga nakatiis si Kris Aquino matapos siyang mag-‘signing off’ last week lang, right after the election.

Actually, nakailang post na rin naman siya since then. At may kasama pang promo ng bagong iniendorsong inumin nilang mag-ina.

Ang basa nila, may nag-advice kay Kris na kailangan din naman niyang magparamdam kahit man lang sa social media alang-alang sa iniendorso niyang mga produkto.

Paano nga naman siya magiging effective endorser kung wala siya sa circulation at nagpapahinga lang sa ibang bansa?

Saka mas kailangan daw talaga ni Kris ‘yun para hindi siya makalimutan ng madla lalo na nga’t hanggang June 30 na lang si President Noynoy Aquino.

Tapos hindi pa mamatay-matay ang tsismis na hindi siya pinagbigyan ng ABS-CBN sa gusto niyang limang taong kontrata nang makipag-negotiate siya for renewal of her contract eh ang gusto raw ng Kapamilya, dalawang taon lang ang pirmahan niya. At ‘yun nga raw ang rason kaya wala siyang kontrata sa ABS-CBN ngayon.

Guaranteed naman daw kasi ang kontrata niya kung sakali. Eh paano nga naman kung humina na nga ang hatak niya? Naniniguro lang daw ang Dos. “Siyempre negosyo ‘yan. Saka wala na sa posisyon ang kuya niya,” mapait na komento ng isang kausap ko sa telepono.

Anyway, sa kanyang mga post hindi man niya direktang sinabi pero nahulaan na nila na nasa Hawaii ito at dalawang anak.

Bago siya sumama sa kampanya weeks before the election almost one month na silang nag-stay na mag-iina sa nasabing bansa na ang tsismis ng iba ay bumili na umano ito roon ng bahay.

James nag-crip walk

Maraming natuwa na kahit nakasaklay at may cast sa leg si James Reid ay nagawa nitong makiuso, hindi nga lang sa Running Man challenge, kundi crip walk ang ginawa niya.

‘Di sinasadyang naitulak ng isang fan sa Las Vegas si James kaya tumama raw ang tuhod sa stairs ng sasakyan nilang bus paalis ng Las Vegas pero masama ang tama kaya kinailangang i-cast at magsaklay siya.

Pero sa latest updates ng social media account ng Viva Artists Agency, nakapag-perform na si James sa kanilang California concert.

Anak nina Dra. Vicki at Hayden napakasuwerte

Super cute ng daughter nina Dr. Hayden Kho and Dra. Vicki Belo na kinaaaliwan ng maraming netizens ngayon na kaligayahan ang malaman ang nangyayari sa buhay ng iba.

Matagal nang alam ng maraming kaibigan nina Dra. Belo ang tungkol sa kanilang anak ni Dr. Hayden. Pero ngayon lang nila ini-open sa public ang tungkol sa bagets.

Kahapon ay nakita ang photo ni Scarlet Snow Belo na karga ng kilalang CNN Business Anchor/Reporter na si Richard Quest. Ang caption ni Dr. Belo sa kanyang Instagram post: Scarlet discussing world affairs with CNN’s Richard Quest. We’ll always make sure she learns from the best.

Wow kabog. Ang suwerte ni Baby Scarlet.

Kaya lang, bakit nga kaya Belo ang dala nitong apelyido at hindi Kho?

Gretchen hello Davao na rin, magka-posisyon kaya sa pamahalaang Duterte?

Hello Davao na rin si Gretchen Barretto kahapon.

So pinatawag din kaya siya ni President-elect Rody Duterte o magko-congratulate lang siya sa na­nalong pangulo sa naganap na botohan noong May 9?

Kung pinatawag siya, malamang magka-posisyon siya.

Ang daming mababakante. MTRCB, OMB, FDCP, MMFF, etc. etc.

Kilalang maka-Duterte ang inactive actress na concentrated sa kanyang rich and famous lifestyle base sa kanyang pino-post na updates sa kanyang social media accounts sa piling ng negosyanteng si Tony Boy Cojuangco.                                                                        

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with