Hindi naman deserving Kung kailan nawala sa sirkulasyon, kampo ni hunk actor grabeng managa ng talent fee

 Napatili nang walang sound ang isang show promoter pagkatapos nitong kausapin ang humahawak sa cNapatili nang walang sound ang isang show promoter pagkatapos nitong kausapin ang humahawak sa career ng isang hunk actor.  areer ng isang hunk actor. Kukunin sana nito ang male personality sa isang show sa probinsiya.

Pero malapit na itong himatayin nang marinig nito sa kabilang linya ang talent fee ng hunk actor, napakalaki, daig pa niya ang mga sikat na artista ngayon kung makapaningil.

Ang sabi ng promoter sa handler ng hunk actor na kabiruan na nito, “Uy, kakanta lang naman si ____(pangalan ng hunk actor), hindi ko naman siya planong bilhin!”

Pero ‘yun na raw talaga ang presyo ngayon ng male personality, take it or leave it, parang ganu’n ang dating ng pagsasalita ng handler ng hunk actor.      

Sa isang umpukan ay nabuksan ang isyu, nalaman ng mga nandu’n ang talent fee na gusto ng handler ng aktor, nagtilian ang mga nagpipista sa kuwentuhan.

Sabi ng isa, “Ngayon pa ba naman siya aarte nang hindi tama? Ano ba naman ‘yan? E, may kapalit na siya sa trono niya nu’n sa network na pinagtatrabahuhan niya!

“’Yung singer-actor na ‘yun ang in demand, siya na ang uso, hindi na ang hunk actor na ito na towering kung makapagpresyo! Anobayen! Ano ito, lokohan?

“Kung kailan siya nawala sa circulation, kung kailan meron nang ibang tinitilian ngayon, e, saka pa siya magpepresyo ng ganyan?” nalolokang reaksiyon ng beki.

Marami nang pinakawalang oportunidad ang hunk actor dahil sa taas ng kanyang talent fee. Kampanyahan pa naman ngayon, rumaraket ang mga artista, pero walang gaanong kumukuha sa kanya dahil sa sobrang taas ng presyong hinihingi ng kanyang handler.

Huling sultada pa ng aming source, “Naku, ‘no! Regaluhan n’yo nga ng abrelata ang handler niya para magising sa katotohanan na hindi na deserving ang alaga niya sa taas ng presyong hinihingi nila?”

Ubos!

Alam ng lahat na ayaw ng ganun Kris nakikipag-plastikan lang sa fans na nagpapa-picture?!

Napakaaga naming napahalakhak kahapon, nagkakape pa lang kami ay tumawag na ang isang dating katrabaho namin sa Dos, humahalakhak din ito nang wagas na wagas.

Nabasa raw kasi nito ang pinakahuling post ni Kris Aquino tungkol sa mga Pinoy na nagpaparetrato sa kanya sa Hawaii. Sinabi kuno ni Kris na palagi niyang naaalala ang payo ng kanyang ina na huwag magdadamot sa mga taong lumalapit sa kanya para magparetrato dahil tanda ‘yun ng pagpapahalaga sa kanya.

Humahalakhak na hirit ng aming kausap, “Nakakaloka! Buong-ningning niyang nasasabi ang ganu’n nang hindi man lang siya nakukunsensiya? Nakakaloka talaga si Tetay!

“Ilang taon tayong nagkasama-sama sa show, alam natin na ‘yun ang pinakaayaw niya, ‘di ba? Iwas na iwas siya sa mga nagpapa-picture taking, alam ‘yun ng mga PA niya, pati ng mga security niya!

“’Di nga ba, running joke na ang ginagawa niya kapag napipilitan siyang magpa-picture at wala na talaga siyang lusot? Siya mismo ang bumibilang, siya ang nasusunod!

“Sasabihin niya, ‘One, two, three, go!’ E, putul-putol ang katawan ng mga kasama niya sa picture, mga balikat na lang halos nila ang nakikita, kasi nga, ang bilis-bilis bumilang ni Kris! Tumatalikod na siya agad pagkatapos niyang mag-count!

“Tapos ngayon, e, ang lakas-lakas ng loob niyang magsabi na she could be generous daw sa mga taong nagpapa-picture sa kanya dahil ‘yun ang bilin sa kanya ng mommy niya? The height! Ano ito, lokohan” tawa nang tawang pag-alala ng aming kausap sa kabilang linya.

At isa lang ang naikomento namin, oo nga, ‘yun ang pinakaayaw ni Kris Aquino!

Ha! Ha! Ha! Ha!

 

Show comments