Dating mga artista na sina Beth Tamayo at magkapatid na Leandro at Carlo Muñoz binuhay sa serye nina Kim at Xian
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2016 - 9:00am

Kabilang ang Muñoz brothers, sina Leandro at Carlo, at ang magandang si Beth Tamayo, na pawang naninirahan na ngayon sa Amerika ang na-feature sa series na The Story of Us, na ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim ang bida.

Yes, their scenes ay kukunan sa Amerika, s­iyempre, as Kim and Xian together with direk Richard Somes and several members of the production staff, are now in New York, dahil maraming eksenang kukunan sa nabanggit na lugar involving the two stars.

Dating mga contract talents ng ABS-CBN sina Leandro at Carlo. For a while pa nga, naging ka-love team ni Leandro si Judy Ann Santos. And one of their memorable films together was Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, which starred the late Fernando Poe, Jr.

On the other hand, hindi gaanong umangat ang career ni Carlo. Beth was one of local showbiz’ most beautiful faces in her time. I wonder if she has remarried, dahil balita ngang naghiwalay sila ng kanyang Fil-Am husband.

Kim hindi nailang sa laplapan nila ni Xian

Of Kim and Xian, they are making their fans and following make hula, if nagkakaibigan na sila. Although, sabi nga ni Kim, medyo matured na ang roles nila both ni Xian sa Story of Us.

And guess what, wala raw siyang nararamdamang inhibition, kahit sa ilang intimate scenes together nila ni Xian. Kahit kung bed scenes na nila ang kinukunan.

And yes, may ilang torrid kissing scenes din silang dalawa.

Co-starring with them in The Story of Us are Aiko Melendez, Gardo Vesoza, Susan Africa, at Zsa Zsa Padilla, na pawang mahuhusay na performers.

Playing the young Kim and Xian are Alyanna Angels and Zaijian Jaranilla.

JC, Alex, at Matt nawalan ng trabaho

Sina JC de Vera at Alex Gonzaga, plus Matt Evans, ang mga tampok in what is supposed to be the last project sana na gagawin ni direk Wenn Deramas, bago siya binawian ng buhay.

It would have been a tele-sine, produced of course, by ABS-CBN and Star Cinema.

All three are maituturing na busiest among the stars of Kapamilya. JC is in the cast of the much-followed soap, You’re My Home.

Si Alex, bukod sa gagawin niya sanang tele-sine with direk Wenn ay nagsu-shooting ng first movie niya for Star Cinema   with Edgar Allan Guzman.

Matt naman had a short but important role in the katatapos na top series nina James Reid at Nadine Lustre, On The Wings of Love (OTWOL). He played na father ng anak ni Bianca Manalo, na gumaganap bilang elder sister ni Nadine.

Matt, if you have forgotten, was formerly a “border” ni Kuya in one season of Pinoy Big Brother. (PBB).

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with